Wednesday , April 23 2025
Water Faucet Tubig Gripo

Kompanya ng mga Villar sinisi sa kawalan ng tubig sa iba’t ibang lugar 

BINATIKOS ng mga konsumer mula sa iba’t ibang panig ng bansa si Las Piñas representative at kandidatong senador Camille Villar dahil sa palpak na serbisyo ng PrimeWater, ang water utility company na pagmamay-ari ng kanyang pamilya.

Anila, dapat munang tugunan ni Villar ang mga problema sa PrimeWater — gaya ng kakulangan sa suplay ng malinis na tubig, madalas na pagkaantala ng serbisyo, at mahinang tugon sa mga reklamo—bago mangakong pagagandahin ang buhay ng mga Filipino.

“Eto namang si Camille Villar: Aayusin daw ang buhay ng mga Filipino. Teh, ayusin mo muna PrimeWater. Kaloka,” ayon sa isang post ni Nash Nacion sa X, na tumutukoy sa plataporma ni Villar.

Nauwi ito sa kabi-kabilang reklamo mula sa mga customer ng PrimeWater sa Tarlac, Camarines Norte, Cavite, Laguna, at Bulacan, na umalma sa kabiguan ng kompanyang bigyan sila ng maayos at malinis na suplay ng tubig.

“Hanggang kelan magbubulag-bulagan ang karamihan sa totoong nangyayari rito sa SJDM? Pinapaasa lang tayo sa wala. Dati naniniwala pa ko na ginagawan ng solusyon ang problema sa PrimeWater, pero ngayon, lalo na’t kapartido pa nila si Camille Villar, mukhang imposible na. Bago namin siya iboto, baka sakaling may mabago,” ayon sa isang galit na residente mula San Jose del Monte, Bulacan.

Ilan sa mga residente ang nagsabing mas maayos pa ang serbisyo ng kanilang mga water district bago punasok ang PrimeWater. May ilang lugar na ilang linggo nang walang tubig ngunit wala man lang paliwanag o aksiyon mula sa kompanya.

“Pakiaksiyonan n’yo naman po ang problema sa tubig dito sa Tarlac. Antagal po umaksiyon ng TCWD PrimeWater Tarlac City. Pahirap tapos wala man lang kahit anong solusyon. Mahigit isang linggo na kaming walang tubig sa San Vicente Ramos Street,” hinaing ng isang residente.

Sa ngayon, pinag-aaralan na ng mga lokal na pamahalaan ng Bacolod City at San Pedro, Laguna ang posibilidad na tapusin ang kanilang joint venture agreement sa PrimeWater dahil sa kabiguang matugunan ang kanilang mga pangangailangan sa tubig.

Inaasahan din na susuriin ng iba pang local government units ang kanilang kasunduan sa PrimeWater matapos bumagsak ang net income ng kanilang mga water district mula nang ilipat sa kompanya ng mga Villar ang operasyon. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …