IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa SM Pickleball Active Hub sa MOA Music Hall sa Pasay City ang kaniyang husay sa exhibition games kalahok ang pickleball enthusiasts kasabay ang isinagawang skills clinics at meet & greet noong nakaraang 11 Abril.
Nakamit ni Mercado ang malaking tagumpay sa larong pickleball, bilang isang umuusbong na propesyonal.
Siya ay 2023 USA Pickleball Mixed Doubles National Champion at nagwagi rin sa ilang mga paligsahang regional. Kilala siya sa mga top 16 finishers sa ilang APP Pro events at sa kanyang unang pwesto sa Women’s Pro sa 2024 Canada-USA Challenge.
Ang vision ng SM Active Hub na baguhin ang fitness at sports engagement sa buong bansa.
Mayroong 44 pickleball courts sa 21 SM malls sa iba’t ibang bahagi ng Filipinas, kaya naman ito na ang may pinakamalawak na sports coverage sa bansa, na nagbibigay ng accessible at world-class sports experiences para sa bawat Filipino. (HENRY TALAN VARGAS)