Tuesday , April 22 2025
Honeylet Avanceña Imee Marcos

Gimik ni Imee ‘di bumenta kay Honeylet

HINDI bumenta kay Honeylet Avanceña, ang partner ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, ang imbestigasyon ni Senadora Imee Marcos kaugnay sa pag-turnover sa dating lider ng bansa sa International Criminal Court (ICC).

Nang tanungin ng media sa The Hague ukol sa imbestigasyon ni Imee, tinawag ito ni Honeylet na “pa-ekek na lang ‘yon” at sinabing hindi siya naniniwala kay Marcos.

“Tanong siya na ‘ano ba talaga nangyari’? Hindi ba niya nakita ang nangyari?” ayon kay Honeylet.

Binatikos naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero si Marcos sa paggamit sa Senado para isulong ang kanyang personal na agenda at pangangampanya.

Naaalarma na ang kampo ni Imee sa patuloy na pagbagsak ng kanyang ratings sa survey at patunay nang bumabagsak ang popularidad ni Imee nang langawin ang  kanyang motorcade at nag-viral pa sa social media.

Batay sa video, wala man lang taong nag-abang sa pagdaan ng motorcade ni Marcos, na sakay ng isang puting pick-up truck.

“Motorcade ni Imee Marcos, nilangaw. Walang katao-tao. Pansinin n’yo naman si Imee guys,” komento ng isang vlogger na si Kugman Reaction Vlog nang i-share nito ang viral video.

Binatikos din ng netizens si Imee Marcos matapos kumalat sa social media ang video na nagpapakitang nandiri siya sa isang supporter na nagpakuha ng larawan sa kanya.

Sa video post ng Facebook page na Boldyakera, makikita ang isang babae na excited magpakuha ng larawan kay Imee pagkatapos ng isang event.

Humawak ang babae kay Imee, na agad namang inalis ang kanyang braso at lumayo na tila nandidiri.

               May bodyguard namang lumapit sa babae at inilayo ang kanyang braso sa mambabatas. (HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

3 Bulacan MWPs inihoyo

NASAKOTE ang tatlong indibiduwal na nakatalang pawang mga most wanted persons (MWPs), kabilang ang number …

MV Hong Hai 16 PCG

Sa tumaob na barko sa Mindoro Occidental
2 katawan natagpuan, 2 nawawala pa rin

NAREKOBER ng mga awtoridad ang dalawang karagdagang mga katawan nitong Linggo ng Pagkabuhay, 20 Abril, …

P45-M illegal diaper plaridel bulacan

Sa Plaridel, Bulacan
P45-M ilegal na diaper nasabat 

NASAMSAM ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) kontra ilegal na kalakal, …

Dead Road Accident

Sa Bacolod
Disgrasya sa prusisyon ng Biyernes Santo lider ng mga Layko, 2 pa patay

IPINAGLULUKSA ng Diyosesis ng Bacolod ang pagpanaw ng isang lider ng mga layko at dalawang …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …