Friday , April 25 2025
TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa trabaho, sahod, benepisyo, pagsasanay, at kondisyon sa pagtatrabaho ng mga guro at manggagawa sa daycare sa buong bansa.

Batay sa datos mula sa UNICEF at Early Childhood Care and Development (ECCD) Council, binigyang-diin ng partylist na tanging 22% ng mga child development workers ang may permanenteng posisyon. Marami sa kanila ang tumatanggap ng mababang sahod, na umaabot lamang sa P1,000 kada buwan sa ilang kaso.

Bilang tugon, nananawagan ang TRABAHO Partylist sa paggawa ng mga panukalang batas na magbibigay ng permanenteng estado sa trabaho para sa mga kalipikadong daycare worker at tiyakin ang patas na kompensasyon na akma sa kanilang papel sa maagang edukasyon ng mga bata.

Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, isinusulong din nila ang mas maayos na benepisyo tulad ng health insurance, retirement plans, at bayad na leave.

Binigyang-diin din ni Atty. Espiritu na sinusuportahan ng grupo ang mas malaking pondo mula sa gobyerno para sa maagang edukasyon ng mga bata.

Alinsunod sa rekomendasyon ng UNICEF, nananawagan ang TRABAHO Partylist na ilaan ang hindi bababa sa 10% ng pambansang badyet sa edukasyon para sa nasabing sektor. Ang pondong ito ay makatutulong sa pagpapabuti ng pasilidad ng mga daycare center, pagbibigay ng kinakailangang kagamitan, at pagpapatupad ng mga programa upang mapahusay ang kondisyon sa trabaho ng mga daycare worker.

About hataw tabloid

Check Also

DOST Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Region 02 Secures Licensing for Three Technologies at 2025 North Luzon Tech Transfer Summit

Baguio City — The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 further strengthened its …

Tondo Fire

Sa Maynila
2 mataong residential areas nilamon ng higanteng sunog

TINUPOK ng dalawang malaking sunog ang dalawang residential area sa Tondo at Port Area, sa …

Arrest Posas Handcuff

Sa Marilao, Bulacan
Wanted na rapist timbog

NADAKIP sa pinaigting na manhunt operations ng Bulacan PPO ang isang lalaking nakatala bilang No. …

Anglees Pampanga PNP Police

P.2-M pabuya sa makapagtuturo sa pumatay sa turistang Koreano

NAG-ALOK ang Korean Association Community of Angeles City ng P200,000 pabuya sa sino mang makapagbibigay …

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

TRABAHO Partylist nanawagan magpatupad ng Safety Adaptation Plan para sa mangagawa

MULING nanawagan ang TRABAHO Partylist sa mga pampubliko at pribadong sektor na bumuo at magpatupad …