Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong
Dear Sis Fely Guy Ong,
Magandang araw po sa inyong lahat.
Ako po si Melanie Espiritu, 38 years old, nagtatrabaho sa isang laundromat sa Tondo, Maynila.
Ako nga po ay nagtatrabaho sa isang laundromat na gumagamit ng coins. Pero minsan, pinagsa-sideline kami ng boss namin kapag may nakikiusap, lalo ang mga working mother, na ipaglaba at ipagtiklop sila tapos dadaanan na lang pag-uwi sa hapon o sa gabi.
Pero minsan, nadale ako ng matapang na detergent. Nangati nang husto ang ibabaw ng aking kamay kaya kinamot ko. Hindi nawala ang pangangati bagkus namula at humapdi hanggang magkasugat.
Bukod diyan, nanuyo rin ang balat ko. Totoong nag-worry ako, pero naisip ko rin agad ang Krystall Herbal Oil kaya agad kong pinahiran ang aking mga kamay.
Ang una kong napansin, parang natuyo agad ang herbal oil sa kamay ko kaya naghaplos ulit ako, mabilis ulit na natuyo. Sa ikatlong beses na paghahaplos ko, napansin ko na parang nawala ang pagkabanat ng skin ko at pagka-dry. Medyo natuwa ako.
Bago natulog, muli kong hinaplos ng Krystall Herbal Oil ang aking mga kamay. Pagkagising ko kinaumagahan, ang una kong napansin, hindi ako nahirapang iunat ang aking mga kamay at pagsalat ko sa bahaging nasugatan ay nabawasan ang gaspang.
Hanggang ngayon ay may mga naiwan pang sugat pero halos pagaling na, habang ang mga peklat ay mabilis na pumupusyaw.
Maraming salamat Sis Fely Guy Ong. Dahil sa inyong napakahusay na imbensiyon — ang Krystall Herbal Oil — ay hindi lumala ang allergy na nakuha ko sa matapang na detergent.
Sis Fely, wish ko po na patuloy kayong basbasan at biyayaan ng karunungan ng Panginoong Diyos, para higit na makatulong sa mga suliraning pangkalusugan.
God bless you always po.
MELANIE ESPIRITU
Tondo, Maynila