Tuesday , April 22 2025
Dragon Lady Amor Virata

Vloggers target ng NBI

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SA RAMI ng fake news na nakikita natin sa social media, hindi na natin alam kung sino ang nagsasabi ng totoo. Hindi lang sa larangan ng politika pati na sa industriya ng showbiz.

Itong huli, sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, samot-saring mga balita na pawang fake news ang laman ng social media.

Nariyan ang pagtuligsa sa administrasyong Bongbong Marcos na ang suporta naman ay kay PRRD.

Halatang-halata. Mga vloggers na makiling sa kampo ng mga Duterte. Nariyan ang pagsasalita ni Atty. Harry Roque at iba pa. Hindi naman natitinag ang kampo ni BBM dahil may mga komento sa comment sections ng mga vloggers na suportado si PRRD.

Tahimik lang si BBM, habang nakikiramdam sa nangyayari sa kapaligiran. Sabi ni BBM, walang martial law na magaganap bagama’t ito ang akusasyon ng mga supporters ni PRRD.

Dapat kumilos ang NBI at paghuhulihin ang vloggers na nagpapakalat ng fake news sa social media at ibang online platforms dahil lumalala na ang mga online attacks kaya dapat kumilos na ang Cybercrime Unit ng NBI.

Bagama’t inirerespeto ang freedom of expression, hindi na dapat nag-iimbento ng mga kasinungalingan para may maibalita.

Inihalimbawa ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago si Maharlika na lumabag sa anti-cybercrime law at inciting to sedition. Makikipag-ugnayan ang NBI sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa National Telecommunications Commission (NTC) para masawata ang pagkalat ng mga fake news.

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperado na si Camille Villar at ang paglaglag ni Sara sa PDP-Laban senatorial slate

AKSYON AGADni Almar Danguilan DAHIL sa ginawang pag-endoso ni Vice President Sara kina Senator Imee …

Sipat Mat Vicencio

Si Grace, si Brian at ang FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio TANGAN ngayon ni Brian Poe ang ‘sulo’ ng pakikibaka na inumpisahan ni …

Firing Line Robert Roque

Sa pagitan ng bato at alanganing puwesto

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINAB ni Senator Imee Marcos na ang usaping Duterte-ICC …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kabastusan ng Russian vlogger, winakasan na ni PMG Torre III

AKSYON AGADni Almar Danguilan HALOS araw-araw naiuulat na may mga kababayan tayong overseas Filipino worker …

YANIG ni Bong Ramos

Ipinapakitang supporta sa mga Duterte walang silbi

YANIGni Bong Ramos WALANG SILBI at balewala ang ipinapakitang suporta sa mga Duterte sa Davao …