Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata
SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon, babae ang naging punong lungsod o ina ng Pasay, bawal ang sugal, na dati-rati naglipana ang mga sugal na sakla o saklang patay. Nawala ang mga peryahan na may mga color games. Sa halip ay pinalitan ito ni Mayora Emi ng pagseserbisyo sa taongbayan ng lungsod ng Pasay.
Inumpisahan ng utol niyang si ex-mayor Tony Calixto na ngayon ay congressman, ang pagkakaloob ng monthly allowance sa mga public school students bukod pa sa mga iskolar, at mga benepisyo sa senior citizens.
Mga programang pangkalahatan na ang pondo ng siyudad ay dito napupunta, hindi sa programa o proyekto na hindi naman kailangan. Edukasyon at kalusugan ang pangunahing programa ni Mayora Emi.
Sakaling muling mahalal sa May 12 local elections, ito na ang kanyang huling termino pagkatapos ng naunang dalawang termino.
Nakita natin ang masigasig at sinseridad sa pagmamahal sa kanyang constituents, bakit ‘di natin ipagkaloob muli kay Mayora Emi ang maluklok bilang punong lungsod ng Pasay o Ina ng Pasay.
Sa anim na taong serbisyong ibinigay ni Mayora, wala nang dapat pagsisihan dahil siya ang Mayorang hindi napapagod.
Ganito talaga ang politika sa ating bansa, kaibigan noon, kaaway ngayon pero bukas makalawa magkasama na. Sabi nila maraming bumitiw ng suporta kay Mayora, hindi po totoo ‘yan, kung meron man ito ay ang mga taong ‘BALIMBING’.
Alam kaya ng mga kalaban ni Mayora sa politika na ‘yung mga pinagkakatiwalaang tao nila ay nagre-report kay Mayora?
Kagaya ng inyong lingkod, may mga naninira kay Mayora, buti na lang at may tiwala si Mayora sa inyong lingkod.
Iwasan sana ang dirty politics, ang kalaban ni Mayora ay aking kumare, karapatan kong kausapin pareho dahil kapwa sila malapit sa aking puso.
Sana huwag na akong idamay sa kanilang black propaganda, dahil hindi naman ako politiko. Sumusulat lang ako nang naaayon sa aking opinion.
Bukas kami maging sa kalaban ni Mayora, huwag lang demolisyon o pagbatikos dahil ang pahayagang ito ay mapagkakatiwalaan at ‘di magpapagamit para lamang batikusin ang isang tao.
Lahat ay kaibigan. Kaaway natin ang may mga kabuktutan o masamang Gawain.
Hindi lahat ay perpekto kahit si Mayora ay meron din mali, pero kanya itong itinutuwid, may sariling pag-iisip tayong lahat, ikaw at ako.
Magbigay ng suhestiyon at kuro-kuro, isa ‘yan sa nagpapatibay ng relasyon.
‘Di maiiwasan ang mangarap kasi libre lang ‘yan. Pero ang mag-ambisyon kasunod diyan, ang tanong na kaya ba!
Puwede namang tumulong nang ‘di ka papasok sa politika. Ako ayoko ng politika, kasi marumi.
Baguhin na natin ang sistema, ‘wag pansarili lamang dahil kaming taxpayers ang nagbibigay ng tulong para umangat ang serbisyo ng mga namumuno.