Thursday , March 20 2025
Dead Road Accident

Nasagasaan ng truck matapos mabunggo ng MPV Laborer patay sa Antipolo

NAMATAY noon din ang isang 35-anyos construction worker matapos mabangga ng isang multi-purpose vehicle (MPV) at masagasaan ng isang 16-wheeler truck habang tumatawid sa kalsada sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal, nitong Martes, 11 Pebrero.

Sa kuha ng CCTV, tumatawid ang biktima sa Antipolo-Teresa Road upang bumili ng almusal nang mabangga ng puting MPV, dahilan upang bumagsak siya sa kabilang lane.

Habang nakandusay sa kalsada, nasagasaan siya ng paparating na 16-wheeler truck na naging sanhi ng malalang pinsala sa kaniyang ulo at naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan.

Ayon sa isang saksi, walang gaanong sasakyan sa kalsada ngunit mabilis magpatakbo ang driver ng Innova na unang nakabunggo sa biktima.

Boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck na kasalukuyan nang nasa kustodiya ng pulisya at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Samantala, nanawagan ng pamilya ng biktima sa driver ng MPV na sumuko at harapin ang batas.

Patuloy ang paghahanap ng mga tauhan ng Antipolo CPS sa suspek na sasampahan ng parehong mga kaso.

About hataw tabloid

Check Also

Ara Mina Sarah Discaya 3

Ara kay Sarah — masarap makasama taong may mabuting puso

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IPINAKILALA ni Ara Mina sa kanyang mga kaibigan sa entertainment media ang tinatawag …

Ara Mina Sarah Discaya 2

Ate Sarah aminadong pader ang makakalaban 

RATED Rni Rommel Gonzales MATAGUMPAY sa larangan ng construction business ang St. Gerrard Construction, pero …

Ara Mina Sarah Discaya

Ara kaisa ni Ate Sarah gawing Smart City ang Pasig

I-FLEXni Jun Nardo MAKIKILAHOK sa bakbakan ng politika ng Pasig City ang target ng aktres …

Arrest Posas Handcuff

Dalagitang anak dinonselya; ama timbog sa Marilao, Bulacan

NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos ireklamo ng malalaswang gawain at panggagahasa sa …

arrest, posas, fingerprints

4 puganteng Koreano arestado ng NBI

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na puganteng Korean …