Sunday , March 23 2025
Lino Fille Cayetano binatikos

Lino, Fille Cayetano, binatikos
Mga deboto ni Santa Marta desmayado sa paggamit ng pagoda sa politika

INULAN ng batikos sina dating Taguig Mayor Lino Cayetano at kanyang asawa, si Fille Cainglet-Cayetano, nang gawing entablado ng politika ang sagradong tradisyon ng Pagoda sa Daan para kay Santa Marta.

Sa isang pahayag sa kanilang Facebook page, isang grupo ng mga deboto ang mariing kinondena ang tahasang paggamit ng relihiyosong okasyon upang isulong ang kandidatura ni Lino Cayetano.

“Kami, bilang mga nagkakaisang mamamayan at deboto ni Santa Marta, ay mariing kinokondena ang ginawang paggamit sa Pagoda sa Daan ng Pateros bilang kampanya para kay Lino Cayetano.”

Ayon sa mga deboto, desmayado sila sa pagpapahintulot ng JCI at ng Simbahang Katoliko sa anila’y ‘pagsalaula’ sa kanilang taunang debosyon.

“Imbes pagtuunan ng pansin ang pananampalataya, ginamit ito sa politika,” anila.

Lalo pang ikinagalit ng grupo ang umano’y pamimigay ng mga plakard sa mga kabataan at ang pag-uudyok sa kanila na isigaw ang pangalan ni Lino habang isinasagawa ang prusisyon.

“Isang malinaw na pambabastos ito hindi lamang sa aming pananampalataya kundi maging sa mismong diwa ng Pagoda sa Daan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pateros, nagkaroon ng ganitong uri ng pagkilos!” ayon sa grupo.

Dahil dito, nananawagan sila sa lahat ng may kinalaman sa nasabing pangyayari na itama ang nagawang paglapastangan sa sagradong tradisyon.

Sang-ayon naman ang mga netizens sa grupo ng mga deboto:

Sabi ni Tricing Alindong: “Hindi tama ang paggamit ng relihiyosong okasyon para sa kampanya. Respeto naman sa pananampalataya ng iba.”

“Nakagagalit na pati ang mga kabataan ay ginamit para sa political agenda. Saan na ang delicadeza?” tanong ni Erik Garciano.

“Ang Pagoda ay para sa debosyon, hindi para sa politika. Nakababahala ang ganitong mga gawain,” dagdag ni Miko Lastimosa.

Nitong nakaraang taon, nasangkot din sa kontrobersiya si Lino Cayetano matapos kumalat ang kanyang mga tarpaulin na may nakasulat na “LABAN LINO,” na nakitang nakapaskil sa mga puno at malilinis na pader sa iba’t ibang barangay ng Taguig. Ang ganitong gawain ay tahasang paglabag sa Republic Act No. 3571, na nagbabawal sa pagsira o pagsasagawa ng aktibidad na maaaring makapinsala sa mga puno sa pampublikong lugar.

Mariing kinondena ito ng mga netizens at environmental groups, kabilang ang EcoWaste Coalition, na nanawagan sa mga kandidato na huwag gawing kasangkapan ang kalikasan sa pangangampanya.

Ayon sa grupo, hindi lamang ito nakasisira sa mga puno kundi nagdudulot din ng matinding basura sa lansangan.

Matatandaan na nitong Oktubre 2024, ibinasura ng Election Registration Board (ERB) ng Comelec-Taguig City ang kahilingan nina Lino at Fille Cayetano na ilipat ang kanilang voter registration mula Ikalawang Distrito patungo sa Unang Distrito ng Taguig-Pateros.

Sa 24-pahinang resolusyon ng ERB, hindi nakapagbigay ang mag-asawa ng sapat na ebidensiya upang patunayan ang kanilang paninirahan sa Pacific Residences, Brgy. Ususan. Dahil dito, nananatili ang kanilang rehistrasyon sa Brgy. Fort Bonifacio, kung saan sila bumoto noong 2023 Barangay at SK elections.

About hataw tabloid

Check Also

Salum Champ Green Puregold CinePanalo 2025   

Salum, Champ Green big winner sa Puregold CinePanalo 2025   

NANGUNA sa full-length category ang pelikulang Hiligaynon, ang Salum na idinirehe ni  TM Malonesat ang Mindanaoan short film …

Ara Mina

Ara Mina ide-delay muna ang pagbubuntis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez ISASANTABI muna ni Ara Mina ang planong pagbubuntis. Ito ang naibahagi sa amin …

Pagtutok sa public transport system, suportado ng TRABAHO Partylist

Pagtutok sa public transport system, suportado ng TRABAHO

NAGPAHAYAG ng suporta ang TRABAHO Partylist, bilang 106 sa balota, sa pagtutok ng pamahalaan sa …

Korona at Pako tampok sa SM Center Pulilan ngayong Kuwaresma

“Korona at Pako” tampok sa SM Center Pulilan ngayong Kuwaresma

NGAYONG Semana Santa, ang Hermandad de la Ascension del Señor ng Parokya ng Pag-akyat sa …

Sa Bulacan
Carnapper, rapist tiklo sa manhunt opns

NASAKOTE ang dalawang indibiduwal na nakatala bilang most wanted persons (MWPs) sa magkasunod na manhunt …