Thursday , January 16 2025
Garahe nasunog BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

Garahe nasunog
7 BUS NATUPOK MEKANIKO SUGATAN

HATAW News Team

PITONG BUS ang natupok habang sugatan ang isang mekaniko nang sumiklab ang sunog sa isang garahe ng bus sa Brgy. Pulo, lungsod ng Cabuyao, lalawigan ng Laguna, nitong Martes ng umaga, 7 Enero.

Kinilala ang sugatang biktimang si Ferdinand Nicereo, 46 anyos, isang under-chassis mechanic.

Dinala si Nicereo sa pagamutan dahil sa inabot niyang second-degree burn sa katawan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection – Cabuyao, pinaghihiwalay ni Nicereo at tatlong iba pa ang isang lumang bus para ibenta ang mga scrap dakong 8:00 am kamakalawa nang magsimula ang sunog sa hindi malamang kadahilanan.

Sinubukan nilang patayin ang apoy sa pamamagitan ng pagtatapon ng tubig dito ngunit lalo lang itong lumaki at kumalat.

Nagresponde ang BFP-Cabuyao at iba pang fire volunteer sa sunog na umabot sa unang alarma.

Tinatayang nasa P7 milyon ang pinsalang idinulot ng apoy na tuluyang naapula dakong 9:16 am.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP upang matukoy ang pinagmulan ng sunog.

About hataw tabloid

Check Also

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …

Sa Tawi-Tawi 121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

Sa Tawi-Tawi
121 pasahero nasagip ng Navy mula sa stranded na barko

NASAGIP ng Philippine Navy ang 121 pasahero ng isang istranded na barkong naiulat na nawawala …

Daniel Fernando Bulacan Marcelo H Del Pilar National High School

Kaligtasan ng mga pasilidad sa mga paaralan tiniyak ni Fernando

“MAKAAASA po kayong patuloy ninyong magiging katuwang ang inyong lingkod sa pagbibigay ng ligtas at …

QCPD Quezon City

QCPD sinamahan sa pinagtapunan ng  bangkay
Suspek sa kidnap-slay sa QC trader, umamin sa pagpaslang sa 2022 missing person

ISA pang kaso ng pagpaslang ang nalutas ng Quezon City Police District (QCPD) sa pagkakalutas …

Apo sa pamangkin minolestiya lalaki kinulata bago arestohin

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang 43-anyos na lalaki dahil sa alegasyong panggagahasa sa 4-anyos …