Tuesday , January 14 2025
Barasoain Malolos Bulacan

Bulacan, ibinida ang kultural na pamana sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang kanilang kultural na pamana gaya ng pagkain, arkitektura, at sayaw matapos bumisita ni Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Garcia Frasco sa lalawigan para sa Central Luzon Leg ng Philippine Experience Program: Cultural, Heritage, and Arts Caravan noong Sabado, Disyembre 14, sa La Consolacion University – Barasoain Campus sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.

Sa temang “Experience Central Luzon, Experience Paskong Pinoy,” dinaluhan ang nasabing programa ng mga foreign ambassador mula sa Thailand at Vietnam, mga lokal na dignitaryo, mga diplomat, at DOT regional directors sa buong bansa na sinalubong ng isang heritage tour sa makasaysayang kalye ng Pariancillio sa lungsod.

Binigyang diin naman ni Maria Paz Alberto, presidente ng Pacific Asia Travel Association Philippines Chapter, sa kaniyang mensahe ang kahalagahan ng pagkilala sa kultura ng iba upang mas matuklasan pa ang tunay na ganda ng Pilipinas.

“For us Filipinos to be able to discover the beauty of our country, it’s not just about the beauty but also being immersed in the culture of our fellow Filipinos,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni Panlalawigang Tagapangasiwa Antonia V. Constantino, na kumatawan kay Gobernador Daniel R. Fernando, na nilalayon ng lalawigan na paigtingin pa ang turismo upang makalikha ng mga oportunidad sa mga manggagawang Bulakenyo at maisulong ang positibong transpormasyon na ikabubuti ng mga ganitong programa.

“We aim to strengthen tourism for job and career opportunities.  Bulacan is rich in natural resources, cultural heritage such as the food, its architecture, the legacy that you can see from the people. We want to promote positive transformation that will benefit all through programs like this, and together we can determine the right steps for a better future,” ani Constantino.

Dumalo rin sa pagtitipon sina Kinatawan Ambrosio Cruz, Jr., Lungsod ng Malolos Mayor Atty. Christian Natividad at Vice Mayor Miguel Alberto Bautista. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

SM AweSM Cebu FEAT

Celebrate Sinulog at SM with AweSM Festivities!

Get ready for an unforgettable Sinulog celebration at SM! Join the vibrant festivities at SM …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …