Wednesday , December 4 2024
Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese national na ilang beses inundayan ng saksak ng hindi kilalang suspek sa loob mismo ng kaniyang minamanehong sasakyan habang nakaparada sa Narra St., Tondo, Maynila, nitong Martes ng umaga, 19 Nobyembre.

Pahayag ni P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section ng Manila Police District, nakita sa backtracking sa mga kuha ng CCTV sa Barangay 242 na tila may hinihintay ang biktima na nakasakay sa nakaparadang sasakyan habang naglalakad ang suspek patungo sa kanya hanggang sa pananaksak.

Matapos manaksak, naglakad ang suspek papalayo sa lugar habang naimaneho pa ng biktima ang kanyang sasakyan patungo sa bahagi ng Padre Algue St., kung saan siya pinaniniwalaang nalagutan ng hininga.

Ayon sa guwardiya ng isang gusaling malapit sa hinintuan ng kotse, biglang nag-hazard ang sasakyan at nang silipin ng traffic enforcer, nakita nilang nakahandusay na ang wala nang buhay na driver.

Nabatid na may apat na tama ng saksak sa hita at dalawa sa kaliwang braso ang biktima.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na hindi taga-Maynila ang biktima at posibleng Chinese national rin ang nasa likod ng pananaksak.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad ipang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek at ang motibo sa likod ng krimen.

About hataw tabloid

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Philip Adrian Sahagun Lora Micah Amoguis Swimming 2024 BIMP-EAGA Games

2024 BIMP-EAGA Games
Philippine team A humakot agad ng anim na ginto sa unang araw

PUERTO PRINCESA CITY – Humakot kaagad ng anim na gintong medalya and Team Philippines-A sa …