Saturday , November 9 2024
Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw na aalisin muna ang mga police escort sa mga kandidato at ililipat ng destinasyon partikular ang may mga kaanak na kandidato sa isang lugar.

Paiiralin na rin ang gun ban nang mas maaga ayon sa Comelec upang maiwasan ang pagkakaroon ng impluwensiya na kung minsan ay posible ang harrassment sa mga botante.

Bibigyan ng protective security ang isang kandidato kapag kinakailangan.

INCUMBENTS ‘DI DAPAT MAG-RESIGN

PAANO na ang operasyon ng mga local government kung pahihintulutan mag-resign sa kanilang puwesto ang bawat incumbent na kakandidato sa sunod na eleksiyon.

Puwede siguro ‘yung dati na isa o dalawang buwan ay maglalagay ng temporary officer-in-charge sa isang lokal na pamahalaan, na bawal gumawa ng programa para sa mga proyekto kundi suweldo lamang ng mga empleyado o sa payroll list lang muna pipirma ang mga itatalagang OIC.

Paano naman kung unopposed candidate ka o walang kalaban? Partikular sa posisyong alkalde, bise-alkade, congressman O gobernador?

Sa aking opinyon, lahat ay dapat muna umalis at asikasuhin muna ang pangangampanya para sa katiyakan na walang pondo mula sa kaban ng bayan na lalabas.

About Amor Virata

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …