Tuesday , October 8 2024
shabu drug arrest

 ‘Health worker’ timbog sa P.7-M ilegal na droga

TIMBOG ang isang babaeng health worker, sinabing sangkot sa pagbebenta ng ilegal na droga matapos makuhaan ng halos P.7 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buybust operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Caloocan City police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek na si Nerna Awalil, alyas Inda, 32 anyos, nagpakilalang health worker, residente sa Salam Compound, Brgy. Culiat Tandang Sora, Quezon City.

Sa ulat ni Col. Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Ponce Rogelio Peñones, Jr., dakong 8:00 pm nang maaresto ang suspek ng mga operatiba ng Caloocan Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Ronald Allan Soriano, kasama ang 3rd MFC, RMFB matapos bentahan ng P65,000 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Sta Rita St., Brgy. 188.

Nakompiska sa suspek ang halos 100 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price value na P680,000, buybust money na isang P1,000 bill, kasama ang 64 pirasong P1,000 boodle money, at isang pouch.

Ayon kay Col. Lacuesta, nakatanggap ang mga operatiba ng SDEU ng impormasyon hinggil sa pagbebenta ng shabu ng suspek na dumarayo sa Caloocan para magbenta ng droga kaya isinailalim nila sa validation at nang magpositibo ang report ay ikinasa ng mga operatiba ang buybust operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay Awalil.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

Tunnel Rings Yard ng Metro Manila Subway lumikha ng trabaho sa mga Bulakenyo

NABIGYAN ng matataas na kalidad ng trabaho ang mga Bulakenyo na nasa sektor ng construction …

internet wifi

Libreng Wi-fi sa public schools isinusulong

NAIS ni Senador Win Gatchalian na magkaroon ng mas epektibong pagpapatupad ng libreng wi-fi program …

Pablo Virgilio David Pope Francis

Pinoy Bishop itinalagang Cardinal ni Pope Francis

ITINALAGA ni Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David bilang ikatlong Filipino cardinal. Tinukoy …

Krystall Herbal Oil

Skin flakes sa anit tanggal sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Pia Cayetano

Ina, abogada, atleta, subok na mambabatas
PIA “KAMPANYERA” CAYETANO MULING TATAKBO PARA SA SENADO

INIHATID si Senadora Pia Cayetano ng halos 150 siklista mula sa Taguig, Maynila, at Pasay …