Thursday , March 30 2023
Bulacan Police PNP

11 pasaway sa Bulacan nalambat

MAGKAKASUNOD na nadakip ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na pawang may paglabag sa batas sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan nitong Sabado, 4 Pebrero.

Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, unang nadakip ang walong personalidad sa droga na kinilalang sina Esmeraldo Balili, alyas Tatay, Melvin Ablaza, Querubin Sayco, alyas Gerbin, John Kenneth Dela Cruz, alyas Bubi, John Lenard Kevin Antallan, Louigie Cruz, alyas Egie, Jessie De Vera, at Anthony Biala, alyas Tonio.

Nasakote ang mga suspek sa anti-illegal drug operations na ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Ildefonso at Norzagaray MPS.

Nakompiska sa operasyon ang 21 pakete ng plastic ng hinihinalang shabu, iba pang drug paraphernalia, at buybust money.

Gayondin, naaresto ang suspek na kinilalang si Romenick Dalangin ng Brgy. Tibag, Baliuag ng tracker team ng Pulilan MPS sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Theft (RPC ART 308) alinsunod sa Art. 309 ng RPC na inamyendahan ng Sec. 81 ng RA 1059.

Kasalukuyang nakapiit ang akusado sa Pulilan MPS para sa dokumentasyon at imbestigasyon.

Samantala, natimbog rin ang suspek na kinilalang si Michael Flores ng Brgy. Bagong Buhay 2, San Jose del Monte, ng mga nagrespondeng tauhan ng San Jose Del Monte CPS sa kasong robbery, na naganap dakong 10:00 pm kamakalawa sa Rancho Bawang, Brgy. Bagong Buhay 3, sa lungsod.

Napag-alamang hinarang ng suspek sa daan ang isang residente habang pauwi sa kanilang bahay, tinutukan ng patalim, saka nagdeklara ng holdap at sapilitang kinuha ang pitaka na naglalaman ng pera ng biktima.

Nadakip din si Osmondo Paraiso, alyas Bobot ng Brgy. Catacte, Bustos, ng mga tauhan ng Bustos MPS para sa kasong physical injury kaugnay ng paglabag sa RA 9262 na naganap kamakalawa ng umaga sa naturang barangay.

Kasalukuyan nang inihahanda ang mga kasong kriminal na nakatakdang isampa sa mga arestadong suspek. (MICKA BAUTISTA)

About hataw tabloid

Check Also

Jenine Desiderio

Jenine aktibo pa rin sa pagkanta

HATAWANni Ed de Leon HINDI namin agad siya nakilala kasi naka-face mask noong makita namin …

Bulacan Police PNP

10 ‘tulak’ sa drug watchlist kinalawit

INARESTO ang 10 indibidwal sa pagpapatuloy ng kampanya ng pulisya sa Bulacan laban sa ilegal …

COMPOSITE SKETCH Marlon Serna

Sa pamamaslang sa hepe ng San Miguel MPS
COMPOSITE SKETCH NG SUSPEK INILABAS

NAGLABAS ang Philippine National Police (PNP) ng composite sketch ng isa sa dalawang suspek na …

Jose Hidalgo Marlon Serna

RD Hidalgo binisita ang burol ng napaslang na hepe ng San Miguel MPS;
Reward para sa mga killers umabot na sa P1.7-M

Nagbigay ng kanyang huling paggalang si Police Regional Office 3 Director PBGeneral Jose S. Hidalgo …

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …