Tuesday , October 3 2023
NAIA plane flight cancelled

Kanseladong flights sa NAIA inaasahang maayos na bukas

AABUTIN pa hanggang bukas, Huwebes, 05 Enero,  bago maibalik ang flights operation sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), inihayag ito ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Posibleng sa Huwebes maibalik sa normal bago ganap na maging normal ang flights operation sa mga terminal ng NAIA.

Kasunod ito ang pagbabalik ng Manila Air Traffic Management System, matapos resolbahin ng Aviation Authority ang pagkawala ng koryente na nakaapekto sa mga flight mula at papunta sa Filipinas.

Sinabi ni MIAA Acting General Manager Cesar Chiong, mayroon pang mga kanseladong flights dahil sa operational requirements ng mga airlines.

Punong-puno aniya ang mga flights kaya hindi ma-accommodate ang ilang pasahero.

Ipinaabot ni Chiong ang kanyang paghingi ng paumanhin sa abalang dulot ng hindi inaasahang pagkaantala sa flights operation.

Nagtutulungan ang MIAA at airlines companies para sa recovery flights matapos ang aberya dulot ng technical glitch. (RAFAEL ROSOPA)

About hataw tabloid

Check Also

SM 65 1 Feat

Experience Super-Sized Fun at SM’s 65th Anniversary this October

It’s October and it only means one thing at SM Super-Month! Suit up for some …

JUMPER BOY SA R-10 TONDO

Perwisyo sa mga trak atbp motorista JUMPER BOY SA R-10 TONDO KALABOSO!

HIMAS-REHAS ang isang 23-anyos “Jumper Boy” na siya rin nag-viral kamakailan nang akyatin at pilit …

arrest posas

2 kilabot na holdaper arestado gamit na gun replica kompiskado

NABAHAG ang buntot ng dalawang kilabot na holdaper nang pagsalikupan sila ng mga nagrespondeng pulis …

Bulacan solar-powered irrigation system DA NIA

Magsasakang Bulakenyo makikinabang sa 3 solar-powered irrigation system ng DA-NIA

MALOLOS CITY – Tinatayang 1,434 magsasakang Bulakenyo ang makikinabang sa katatapos na tatlong solar pump …

lovers syota posas arrest

Magdyowang tulak, dinamba sa drug bust

SWAK sa selda ang live-in partners na sinabing tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan …