Saturday , March 25 2023
Barko Ship Dagat

Inutil na DOTr secretary
TAAS-PASAHE SA BARKO, IDINAING

NANAWAGAN ng tulong ang mga pasahero ng barko sa pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bigyan ng pansin ang sobrang pagtaas ng pasahe na ipinatupad ng mga kompanya ng barko sa bansa.

Ito ang hinaing ng mga pasahero na dumaraan sa Batangas Port lalo ang mga patungong lalawigan ng Oriental Mindoro ngayong panahon ng kapaskuhan.

Napag-alaman na mayroong mga pasahero na kamuntik na umanong hindi makasakay ng barko dahil sa taas ng pasahe na ipinatupad ng mga barko na walang abiso sa publiko.

Nabatid na mula P468 ay naging P528 o  12.82% ang itinaas sa pasahe na ipinatupad ng barkong Montenegro habang mula P450 ay umabot sa P530 o 17.77% ang barkong Starlite.

Naitala sa pinakamataas na taas-pasahe ang barko ng FasCat na pag-aari umano ng dating naitalagang General Manager ng Philippine Ports Authority (PPA) na si Christopher “Chet” Pastrana na mula P420 ay tumaas sa P542 o 29.05% na pagtaas sa pasahe patungo ng Calapan City.

Sa kabila ng hinaing ng mga pasahero ay patuloy na nagtataingang kawali si DOTr secretary Jaime Bautista kabilang na si DOTr undersecretary for maritime sector Elmer Sarmiento at Maritime Industry Authority (MARINA) Administrator Hernani Fabia na may mandato sa nasabing isyu.

“Hindi lang mga pasahero ng tren, dyip at bus ang nahihirapan sa taas-pasahe. Marami rin kaming pasahero ng barko na inaabuso ng mga shipping lines kaya marapat na tulungan din kami ng gobyerno,” hinaing ng isang pasahero na tumangging ilathala ang pangalan.

Pihadong tumaas din ang presyo ng mga paninda dahil kasama sa nasabing taas-pasahe ang mga tinatawag na rolling cargo o ang mga trak sakay ang mga produktong ibebenta sa mga pamilihan.

Mahigpit ang naging kautusan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., na ibaba ang gastos sa pagbiyahe ng taong bayan pero sa kabila nito ay hinahayaan ng DOTr at MARINA na magtaas ng pasahe ang mga barko nang walang pakundangan.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …