
DUMALO si Overseas Workers Welfares (OWWA) Administrator Arnel Ignacio sa pakikipag-usap sa mga opisyal at miyembro ng Special Alliance of Welfare Officers, Advocates, Recruiters and Migrant Workers Inc. (SWARM) kasama ang iba’t ibang lider ng Overseas Filipino Workers Advocates (OFWA) sa isinagawang SWARM 3rd convention. Layunin nitong mapakinggan ang OFW advocates ukol sa kanilang mga problema at hinaing. Nananawagan si Atty. David Castillon sa OFWs advocates na magkaisa at magsama-samang sumigaw para sa kapakanan ng mga OFW. Napapanahon na para magkaisa at magsama-sama ang OFWs, Recruitment agencies, Welfare Officers, at OFWs advocates para masolusyonan ang mga kinahaharap na problema, na ginanap sa Diamond Hotel sa Ermita, Maynila kahapon. (EJ DREW)