Tuesday , January 21 2025

2 senior citizen natagpuang patay sa Malabon, Navotas

KAPWA walang buhay nang matagpuan ang dalawang senior citizens sa magkahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Malabon at Navotas.

Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, habang nagpapakain ng kanilang panabong na manok ang saksing si Roland Padarunon, 53 anyos, sa C4 Road, Brgy., Tañong, Malabon City dakong 2:30 pm nang mapansin niya ang walang buhay na katawan ng biktimang si alyas ohnny nasa 60-65 anyos ang edad na nakahiga sa kanyang higaan.

Ipinaalam ng saksi sa opisyal ng barangay at sa Sub-Station 6 ang natuklasan at lumabas sa isinagawang ocular investigation ng pulisya walang nakitang sugat sa katawan ang biktima.

Dinala ang bangkay sa PNP Crime Laboratory para sa autopsy examination.

Sa Navotas, natagpuan dakong 7:24 am ang walang buhay na katawan ng isang senior citizen na si alyas Dodong sa Gov. A. Pascual, Brgy. San Jose.

Walang nakitang sugat sa katawan ng biktima na palatandadang namatay sa karahasan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Rodante Marcoleta

Rodante Marcoleta Emphasizes Transparency, Accountability, and Strategic Reforms in Governance

Senatorial candidate and Partylist Representative Rodante Marcoleta shared his views on critical national issues during …

Zaldy Co

Pagkasibak ni Rep. Zaldy Co bilang chairman ng House appropriations panel ikinatuwa ng netizens

MAYNILA – Tila ipinagbunyi ng mga netizen  ang pagkakatanggal ni Ako Bicol Party-list Representative Zaldy …

BingoPlus Sinulog Festival Cebu FEAT

Tara na sa Cebu with BingoPlus para sa Sinulog Festival!

Join the celebration of the grandest and most colorful festival in the Philippines, the Sinulog …

011625 Hataw Frontpage

Sa Sta. Mesa, Maynila
EDAD 5, 11, AT 16 ANYOS MAGKAKAPATID NA BABAE PATAY SA NATUPOK NA BAHAY

HATAW News Team HINDI nakaligtas sa kamatayanang tatlong magkakapatid na babae, edad 5, 11, at …

011625 Hataw Frontpage

PBBM nilagdaan PH Natural Gas Industry Dev’t Act

GANAP nang batas ang Republic Act No. 12120 matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, …