Sunday , November 16 2025
prison

DOJ kumonsulta sa prison expert, pamamalakad ni Bantag napuna

MATAPOS tukuyin na isa sa problematic agency ang Bureau of Corrections (BuCOR) at ang kontrobersiyang kinasasangkutan nito ay nakasisira sa imahen ng bansa, kumunsulta na si Justice Secretary Crispin Remulla sa isang international prison reform expert para sa pagbalangkas ng plano sa pagpapatupad ng reporma sa correction system sa bansa.

Ang pakikipagpulong ni Remulla kay Prof. Raymund Narag, dating inmate na nakulong ng pitong taon, ngunit ngayon ay associate professor sa Southern Illinois University ay tila dagok sa pamumuno ni BuCor chief Gerald Bantag.

Sinabi ni Atty. Nico Clavano ng Office of the Secretary, nais ni Remulla na iayos ang Correction system sa bansa sa pakikipagpulong nila ni Narag.

“It is uncertain in what capacity Prof. Narag will come in as but the two shared opinions and compared notes on the changes they seek to make,” nauna nang pahayag ni Clavano.

Si Bantag ay naitalaga bilang BuCor chief noong 2019 ngunit ilang kontrobersiya sa pamumuno sa ahensiya ang kanyang kinasangutan.

Ayon sa ilang BuCor officials na tumangging magpabanggit ng pangalan, sa loob ng tatlong taon ay wala pa rin pagbabago ang correctional facility sa ilalim ni Bantag.

Makailang beses naharap sa kontrobersiya si Bantag, kung saan idineklara siyang persona non grata sa Muntinlupa City matapos harangan ng mga pader ang ilang komunidad sa lungsod at isinara sa motorista ang isang kalsada bilang dagdag seguridad sa New Bilibid Prison (NBP) nang walang permiso mula sa lokal na pamahalaan at nagdulot ng malaking prehuwisyo sa mga residente.

Pumasok sa isang maanomalyang Joint Venture Agreement(JVA) si Bantag sa pagitan ng Agua Tierra Oro Mina Development Corporation (ATOM) para sa paglipat ng prison facilities mula sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City patungo sa Nueva Ecija nang walang konsultasyon at bidding process. Ang nasabing kasunduan ay ipinasuspinde ng DoJ.

Hindi rin kinunsulta noon ni Bantag si Secretary Menardo Guevarra nang payagan niyang ma-interview ng isang broadcast network sa loob ng NBP ang nakakulong na si Ret. Gen Jovito Palparan. Ito ay administrative case.

Isinasangkot si Bantag sa magkakasunod na misteryosong pagkamatay sanhi ng CoVid-19 ng walong high profile inmates sa pagitan ng Mayo hanggang Hulyo 2020, na mabilis ipinasunog (cremate) ang mga labi.

Una nang sinabi ni dating Justice Secretary Leila de Lima, kilalang berdugo si Bantag matapos pasabugan ng granada ang 10 inmates noong hepe pa siya ng Parañaque Jail at kilala rin notoryus sa pagpapahirap sa inmates ng Manila City Jail at Bilibid.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST 3 BulSu Bulacan

DOST Launches Regional STI Fair: Showcases Innovations with Tangible Community Impact

Empowering communities through science and innovation, the Department of Science and Technology (DOST) launched the …

DOST 3 iHUB SARAI CeNTRo AMCen

Central Luzon Enters New Phase of Innovation with Launch of DOST Hubs

The Department of Science and Technology (DOST) formally launched three major facilities that are expected …

DOST bauertek

BauerTek: Central Luzon’s Innovation Champion Heads to Nationals!

MALOLOS CITY, BULACAN – BauerTek Farmaceutical Technologies has clinched the Regional Winner title for Central …

Nartatez PNPA

Sa Gabay ni Chief Nartatez PNPA Iniaangat ang Paghubog ng Bagong Pulis

Umaga ng November 13, 2025, muling pinagtibay ni Acting Chief of the Philippine National Police, …

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

FPJ Panday Bayanihan Party-list nagkaloob ng Doxycycline sa Dagupan City LGU

Dagupan City — Personal na isinagawa ng FPJ Panday Bayanihan Party-list ang turnover ng 25 …