Friday , March 24 2023
CoVid-19 Vaccine booster shot

Sa mataas na supply ng bakuna, mababa ang demand…
TIANGCO SA NVOC, HTAC: BAKIT LIMITAHAN ANG TATANGGAP NG 2ND BOOSTER?

HUMINGI ng komento si Mayor Toby Tiangco mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC) at Health Technology Assessment Council (HTAC) kung bakit ang second COVID booster ay ibinigay lamang sa mga piling grupo.

Sa kanyang liham, binanggit ni Tiangco na maraming Navoteños ang gustong makakuha ng second booster shot subalit hindi kwalipikado ayon sa guidelines mula sa Department of Health (DOH).

Nakasaad sa DOH Memorandum No. 2022-0206 na bilang karagdagan sa mga immunocompromised individual, tanging ang mga senior citizen at frontline healthcare workers lamang ang maaring makatanggap ng second booster ng Moderna at Pfizer vaccines.

Gayunman, ipinunto ni Tiangco na ang data ng gobyerno ay nagpakita ng mababang paggamit mula sa nasabing priority groups.

“When there are enough vaccines with near to reaching its expiry, what is the logic behind making the 2nd booster exclusive to the above priority groups on the one hand, and disallow all other sectors that are most willing to get their 2nd booster, on the other?” tanong ni Tiangco.

“At the very least, what is the logic of disallowing privately procured vaccines, which are near to reaching its expiry, that are being donated to the government, including LGUs, from being administered as 2nd booster to members of all other sectors who are requesting to be administered with their 2nd booster shot?” dagdag niya.

Sinabi pa ni Tiangco na ang second booster ay magpapahusay sa proteksyon ng mga na-exposed sa COVID, kabilang Omicron subvariant BA.2.12.1.

“Amid the threat of waning immunity and a possible surge of cases, expanding the coverage of the 2nd booster, using vaccines donated free of charge, is the most logical next step for us to reach the New Normal,” pagwawakas niya.

Hanggang June 14, ang Navotas ay nakapagbakuna na ng 219,066 first doses; 217,854 second doses, 59,944 first booster, at 2,817 second booster.

Ang lungsod ay mayroon ding stock na 32,860 doses ng Astrazeneca; 4,096, Sinovac; 1,428, Sinopharm; at 47,550, Pfizer. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …