NAG-TRENDING ang hashtag #KakampINC matapos magpahayag ang mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC) ng suporta sa tambalan nina Vice President Leni Robredo at Senador Kiko Pangilinan.
Nangyari ito matapos iendoso ng INC, kilala sa kanilang bloc voting, sina Ferdinand Marcos, Jr., at Sara Duterte bilang pambato sa pagkapangulo at bise presidente sa darating na halalan sa Lunes, 9 Mayo.
Bukod sa hashtag na #KakampINC, dalawa pang grupo ang lumitaw gaya ng “Mga titiwalag for Leni at “2.6 million minus one” bunsod ng pagkadesmaya sa desisyon ng INC,na mayroon umanong 2.6 milyong miyembro.
Sa tweet ng isang Arnulfo Filipinas (@ArnulfoFilipin1), siya ay INC ngunit nakasaad sa Biblia na bawal magnakaw kaya iboboto niya ang tambalang Leni-Kiko.
“Shame on you INC leaders. I’ll vote for Leni and Kiko,” tweet ni Arnulfo Filipinas.
Pakilala ni Dahon (@indigogo_1), siya ay aktibong miyembro ng INC ngunit boboto para kina Leni at Kiko.
“Whatever happens, I’ll always choose to be at the good side. I’m INC and my vote is for LeniKiko tandem,” tweet ni Nasho (@hrryu21).
“Me and my friends are active members of INC but we will vote for LENIKIKO. Hugs to my fellow INC brothers and sisters who will continue to support and vote for LENIKIKO. Itindig natin ‘to mga kapatid!!,” komento ng Twitter user na si itsrei (@itsreiii_).
Nagsimulang mag-trending ang hashtag #KakampINC noong Martes ng gabi nang ianunsiyo ng INC ang desisyon hanggang Miyerkoles.