Tuesday , June 24 2025
Jodi Sta Maria Leni Robredo Kiko Pangilinan Chel Diokno

Jodi Sta. Maria nagbahay-bahay para kina Robredo, Kiko at Diokno

SA PANIWALANG hindi ito ang panahon upang manahimik, nagpasya ang aktres na si Jodi Sta. Maria na lumabas at magbahay-bahay para sa tatlong kandidato na pinaniniwalaan niya.

Kasama ang iba pang volunteers, nag-ikot si Sta. Maria sa Barangay Tumana sa Marikina City para ikampanya sina Vice President Leni Robredo, Senador Kiko Pangilinan at human rights lawyer Chel Diokno, na tumatakbo bilang pangulo, bise presidente at senador, ayon sa pagkakasunod.

“This is what I stand for and many have known me to be, you know, just quiet about certain things and I believe this is not the time to be quiet about what you stand for,” wika niya.

“That’s also the reason why I went out there to show people kung sino iyong mga tao na sa puso ko ang magbibigay sa atin ng pag-asa. Kumbaga, there’s hope in pink,” dagdag niya.

Iginiit ni Sta. Maria, hindi niya ginagawa ito para sa kanyang sarili kundi para sa mga Filipino at para sa Filipinas.

“Kung ito ang magiging contribution ko, then I’m very much willing na suungin iyong init, iyong pagod, etong mga bagay na ginawa, para sa Filipinas,” aniya.

Nang tanungin kung bakit siya nagpasyang suportahan sila, sinabi ni Sta. Maria, nakikita niya ang kanyang core values sa tatlong kandidato.

               “Ako kasi naniniwala ako na you are who you vote for and sila iyong mga tao na nagre-resonate doon sa mga core values na napaka-importante sa akin bilang tao,” paliwanag ni Sta. Maria.

“Importante sa akin ang pagiging matapat, importante sa akin ang pagiging hardworking, importante sa akin ang transparency and accountability and sa kanila ko nakikita iyong mga katangian na pinapahalagahan ko sa aking buhay. Kaya sila dapat,” dugtong niya.

Nagpasalamat si Sta. Maria sa mainit na pagtanggap ng mga residente ng Barangay Tumana.

“Nakatutuwa kasi napakainit ng pagtanggap ng mga tao sa Barangay Tumana. I would say na hindi naman sila naging mga suplado or hindi kami napansin pero they’re very open, they’re very open to listen to what we have to say,” wika niya.

Nagpahayag kamakailan si Sta. Maria ng suporta kay Diokno sa pamamagitan ng post sa social media.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Rogelio Pojie Peñones Jose Melencio Nartatez Jr JEAN S FAJARDO

PBGen Ponce Rogelio Peñones Jr, bagong regional director ng PRO3

Camp Olivas, City of San Fernando, Pampanga-Pinangunahan ni Police Lieutenant General Jose Melencio C. Nartatez …

Krystall herbal products

Krystall Herbal Products malaking tulong sa kalusugan ngayong tag-ulan, at madalas na pagbaha

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

MILO NAS National Academy of Sports

Pagtataguyod sa Susunod na Henerasyon ng mga Kampeon:  
MILO Nagkaloob ng Kagamitang Pampalakasan sa NAS sa Ika-5 Anibersaryo

NEW CLARK CITY, CAPAS, TARLAC, 23 Hunyo 2025 – Pinabilis ng MILO Philippines ang matagal …

Alas Pilipinas SEA V League

ALAS Pilipinas handa na sa SEA Men’s V.League sa Candon City!

MAGPAPASIKLAB na naman ang ALAS Pilipinas sa harap ng home crowd—pero ngayon, may ranking points …

Anthony Banayad Granada

Pagkamatay ng missing DLSU law student iniimbestigahan

MASUSING iniimbestigahan ng mga kagawad ng Philippine National Police (PNP) ang pagkamatay ng naunang iniulat …