Sunday , March 26 2023
Leni Robredo Bday Cake

Bayan higit sa sarili
VP LENI MAGDIRIWANG NG BIRTHDAY KASAMA ANG MASA

KAHIT sa araw ng kanyang kapanganakan, pinili ni Vice President Leni Robredo at ng kanyang pamilya na magdiwang kasama ang masa na kanyang patuloy na pinaglilingkuran.

“Kahit birthday niya pinili niyang makasama ang taongbayan. Para sa kanya, ang pamilya niya ay ang mga kababayang Filipino,” ayon kay dating congressman Erin Tañada, senatorial campaign manager ng Robredo-Pangilinan camp.

Nakahanda ang lahat sa tinaguriang “grand rally” na gaganapin ngayong Sabado, 23 Abril, sa Macapagal Boulevard sa Pasay City. Ito umano ay “regalo” ng supporters ni Robredo sa kanyang kaarawan.

Inaasahan na isang malaking pagtitipon na naman ang magaganap na siguradong dadalohan ng maraming mga tao, lalo ang mga bagong supporter ni Robredo.

Maaalala na ilang political leaders sa maraming lugar, kasama sa Kalakhang Maynila, ang tumalon na sa kampo ng Robredo-Pangilinan tandem nitong mga nakalipas na araw.

“Matindi ang kanyang pagmamahal sa mga tao at sa bayan na kahit sa kanyang birthday pinili niyang sila ay makapiling,” ayon kay Tañada.

Aniya, ang dedikasyon ni Robredo sa kanyang tungkulin at sa mga taong nasa laylayan ng lipunan ang siyang naghikayat sa maraming mamamayan na suportahan ang kanyang kandidatura.

“She is unstoppable,” ayon kay Tañada. “Laging nasa isip niya ang iba kaysa sarili niya, inuuna niya lalo ang mga taong mas nangangailangan ng kalinga.”

“Alam ni VP Leni ang kanyang ginagawa at ito ay nakikita na ng mga tao,” dagdag ng dating kongresista.

Aniya, ang paninira sa pangalawang pangulo ng kanyang mga kalaban ay nakita na ng mga ordinaryong mamamayan, “kaya bugso-bugso silang sumasama” sa kampanya.

“Makikita naman natin ito sa darating na Sabado,” ayon kay Tañada na naninigurong babahain ng mga ordinaryong mamamayan ang “birthday party” ni Robredo.

Tinagurian ang buong araw na pagdiriwang na “Ang Araw ni Leni, Araw Nating Lahat.”

Ayon sa mga organizer ang lahat ay imbitado sa naturang selebrasyon at hinihikayat ang mga supporter ng bise presidente na mag-imbita ng isang “undecided friend” para sa “Art Jam,” “Street Party,” at “People’s Rally.”

Puwede rin magsuot ng iba’t ibang kulay na sisimbolo ng mga pangarap: puti para sa kalusugan; asul para sa trabaho; dilaw para sa edukasyon; pula para sa pagkain; pink para sa pag-angat sa buhay; at iba pang mga kulay.

About hataw tabloid

Check Also

iSCENE 2023 PAPI DOST

Are you ready for the biggest and the smartest 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗶𝗹𝗶𝗽𝗽𝗶𝗻𝗲𝘀 this year?

Join us on March 23-25, 2023, in the first ever 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗿𝗻𝗮𝘁𝗶𝗼𝗻𝗮𝗹 𝗦𝗺𝗮𝗿𝘁 𝗖𝗶𝘁𝘆 𝗘𝘅𝗽𝗼𝘀𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 …

Mr Freeze Gerry Santos Ivy Ataya Joyce Selga

Mr Freeze BFF ng mga sikat sa showbiz

NAALIW kami kay Mr Gerry Santos aka Mr Freeze sa mediacon ng kanyang Negosyo Goals show sa AllTV na napapanood tuwing Linggo, 11:30 a.m.. Matatawag …

electricity meralco

Karapatan ng consumer mangingibabaw kontra prangkisa

IGINIIT ni Puwersa ng Bayaning Atleta partylist Rep. Margarita Nograles, ang kapakanan ng mga residente …

Bulacan Police PNP

Kampanya kontra krimen sa Bulacan
11 tulak, 2 wanted, 2 sugarol timbog

SUNOD-SUNOD na pinagdadampot ang 11 hinihinalang drug dealer, siyam na pinaghahanap ng batas, at dalawang …

Derek Ramsay Mr Freeze Gerry Santos

Mr Freeze pinatunayang ayaw na ni Derek sa showbiz: Enjoy siya sa pagiging family man

KINOMPIRMA ng kaibigan ni Derek Ramsay na si Mr Freeze Gerry Santos na ayaw na talaga ng aktor ang …