Friday , June 2 2023
Loren Legarda Taytay

Legarda nangako sa Rizal ng makataongsolusyon laban sa climate change

INIHAYAG ni Antique Representative, at kandidato sa pagka-Senador, na si Loren Legarda ang kanyang planong gumawa ng mga solusyong makatao sa probinsiya ng Rizal, na isa sa mga probinsiyang lubhang apektado ng ‘climate change.’

Sa isang pagtitipon sa Taytay, Rizal, sinabi ni Legarda, ang makataong pamamaraan ay ang pagbase ng mga desisyon sa mga polisiyang naghihimok ng sustainable development upang mas matulungan ang mga lubhang apektadong mamamayan.

“Kailangan natin ang mga solusyon na nakaayon sa pangangailangan ng kalikasan para mapaniguradong ang mga komunidad ay ligtas mula sa baha at iba pang mga sakuna,” sabi ni Legarda.

“Napakaganda ng probinsiya ng Rizal. Sinasabi nga ng marami, ‘dito natin kayang maranasan ang kalikasan at sining nang hindi na lalayo sa kaginhawaan ng lungsod.’ Ngunit sa kabila nito, madalas, ang Rizal ay isa sa mga probinsiyang lubhang naaapektohan ng pagbaha tuwing may malakas na bagyo,” kanyang ipinagpatuloy.

“Kaya naman kailangan lalong palawakin ang ating pag-intindi sa agham ng klima at sakuna, ang mga matitinding epekto nito, at ang mga solusyon upang matugunan ito.”

Si Legarda ay sang environmentalist na maraming nailathalang at naipapasang batas ukol sa pagtugon sa pagbabago ng klima at sa paghahanda laban sa sakuna mula noong siya’y nasa senado sa loob ng tatlong termino, hanggang sa pagiging kinatawan ng Antique sa Kongreso.

Idininagdag niya ang naranasan ng Rizal noong humagupit ang bagyong Ulysses ay isang paalala ng mga pagsubok na dala ng matinding pagbabago sa klima ng mundo.

“Kailangang ipatupad nang mabuti ang mga polisiyang pagtugon sa pagbabago ng klima, at mga hakbang upang mapahina ang panganib at epekto ng sakuna, upang masigurong mas magiging ligtas ang mga komunindad ng Rizal mula sa mga unos,” aniya.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …