Saturday , June 10 2023
Win Gatchalian Alfonso Cusi Malampaya DoE
QUEZON CITY — Ipinapakita ni Senate Committee on Energy chairman, Senator Win Gatchalian ang kopya ng resolusyon ng senado at mga dokumento at ebidensiya ng resulta ng imbestigasyon ng komite kasunod ng rekomendasyon sa Ombudsman na sampahan ng kaso si Energy Secretary Alfonso Cusi at iba pa sangkot, ukol sa maanomlyang Malampaya deal. (NIÑO ACLAN)

Cusi, 11 opisyal ng DOE ipinaasunto ni Gatchalian

INIREKOMENDA kahapon ni Senate committee on Energy Chairman Senator Win Gatchalian na kasuhan ng graft si Energy Sec. Alfonso Cusi at 11 opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa maanomalyang bentahan ng shares ng gobyerno sa Malampaya gas project.

Pinangunahan ni Gatchalian ang transmittal ng Senate resolution para irekomenda na sampahan ng graft si Cusi at iba pang opisyal nito sa anti-graft body.

Ang laman ng committee report ang rekomendasyon ng senado na sampahan ng patong-patong na kasong paglabag sa graft and corrupt practices act, gross neglect of duty, at grave misconduct laban kay Cusi at 11 pang opisyal ng DOE .

Nauna rito, magugunitang si Gatchalian ang nagsulong ng imbestigasyon matapos ibenta ng DOE ang 45 percent sapi sa Malampaya gas project sa isang indirect subsidiary ng Udenna corporation.

Sa interview ng media iginiit ni Gatchalian, malinaw na pinaboran ng DOE ang Udenna Corp., na may kapital na P6.9 bilyon.

Bunga ito ng imbestigasyon ng Senate Committee on Energy na lumitaw na minadali ng DOE ang pag-aproba sa pagbebenta ng 45 percent sapi ng Chevron sa kompanyang UC Malampaya na subsidiary ng Udenna Corp., na aniya’y kapos sa financial capability.

Ayon sa ulat, aabot sa P40 bilyon ang halaga ng Chevron shares na ibinenta ng DOE, sa Udenna Corporation na pagmamay-ari ng negosyanteng si Dennis Uy, ang shares ng gobyerno sa Malampaya gas project. (NIÑO ACLAN/ALMAR DANGUILAN)

About hataw tabloid

Check Also

Philippines money

Maharlika Investment Fund bill pinare-recall ni Pimentel

HINILING ni Senate Minority Floor Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang pag-recall sa Maharlika Investment …

Marie Dimanche Michael Vargas Eric Buhain Jessi Arriola Bambol Tolentino

Vargas, nahalal na pangulo; Buhain, SecGen ng PSI

NAIHALAL bilang bagong pangulo ng Philippine Swimming, Inc. (PSI) ang long-time swimming patron na si …

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Madugong madaling araw na aksidente sa Bulacan
TRUCK VS SUV 5 PATAY 2 SUGATAN

Lima ang patay samantalang dalawa ang sugatan nang suruin ng isang truck ang isang sports …

Alan Peter Cayetano

Sa usaping e-governance
GOBYERNO, TAGALUTAS NG PROBLEMA — CAYETANO

DAPAT  maging tagalutas ng problema ang gobyerno. Ito ang paalala ni Senador Alan Peter “Compañero” Cayetano …

Money Bagman

Pinal na kopya ng Maharlika Investnment Fund Bill isusumite ngayong Linggo sa Palasyo

NAIS ng Senado na maisumite sa palasyo ng Malakanyang ngayong linggo ang Maharlika Investment Fund (MIF) Bill. Ayon …