PATULOY ang pagtaas ng ratings sa survey ni Vice President Leni Robredo habang pababa si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., dahil sa pagtanggi nitong dumalo sa mga panayam sa telebisyon at radyo.
Ito ang resulta ng espesyal na pag-aaral ng International Development and Security Cooperation (IDSC) ukol sa 2022 national elections kung saan kinuha nito ang WR Numero Research para sa kanilang opinion poll.
Batay sa survey na ginawa ng WR Numero Research, nakakuha si Marcos ng 9 puntos na pagbagsak sa kanyang rating mula 59 porsiyento noong 2-7 Enero (week 1) patungong 50 porsiyento noong 23-27 Enero (week 4) nang hindi humarap sa “The Jessica Soho Presidential Interviews.”
Sa bahagi ni Robredo, nakakuha siya ng 4 puntos na pagtaas mula 16 porsiyento noong 2-7 Enero, patungong 20 porsiyento noong 23-27 Enero, dahil sa kanyang magandang pakita sa “The Jessica Soho Presidential Interviews” noong 22 Enero at sa “The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda” na inere mula 24-28 Enero.
Nakakuha rin si Robredo ng mga bagong tagasuporta dahil nailatag niya sa mga nasabing panayam ang malinaw at ang kanyang mga plano para sa bansa batay sa kanyang kaalaman at karanasan.
Bukod rito, ang paglulunsad ng bagong campaign tagline ni robredo na “Gobyernong tapat, angat buhay lahat” ay nagpatibay sa pagkillos ng kanyang mga tagasuporta,
“The new slogan also highlighted how a Robredo presidency, banking on transparency and competence, would be different from the rest of the candidates,” ayon sa IDSC.
“The slogan also encapsulates the inclusive and participative administration she employs,” dagdag ng ulat.
Nakakuha si Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng 9 porsiyento habang sina Senador Panfilo “Ping” Lacson at Manny Pacquiao ay mayroong 4.12 porsiyento at 2.41 porsiyento, ayon sa pagkakasunod.