Monday , September 25 2023
BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at hindi nagpaunlak ng panayam sa award-winning journalist na si Jessica Soho.

Kabilang sa nag­paunlak sina Vice President Leni Robredo, Senador Panfilo Lacson, Manny Pacquiao at Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso. Ang interview ay ipinalabas noong Sabado ng gabi sa GMA Network.

Dahil sa pag-atras ni Bongbong, nag-trending sa social media ang hashtag na #MarcosDuwag.

Inulan din ng batikos si Marcos mula sa mga netizen, na nagsabing paano maga­gampanan ni Marcos ang tungkulin ng isang pangulo kung sa simpleng interview lang ay hindi niya magawang dumalo.

Para naman sa iba, mas mahalaga kay Marcos ang dumalo sa binyag at kasal kaysa ilahad sa taong­bayan ang kanyang mga plano at programa para sa bansa.

Sinabi nila, ayaw ‘magisa’ ni Bongbong ukol sa mga isyu ng kanyang pamilya, pati na ang fake news na pinakakalat ng kanyang mga tagasuporta sa social media.

Pinuri ng iba pang netizens sina Robredo, Lacson, Pacquiao at Moreno na tinanggap ang hamon na ‘magisa’ sa pagta­tanong ni Soho. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

DOST XII holds 3-day celebration for RSTW

THE Department of Science and Technology (DOST) Region XII celebrated for three days from Sept. …

My Plantito Kych Minemoto Michael Ver

My Plantito fan meet dinaluhan ng mga Pinoy BL community at iba pang tagapagtangkilik

NAGKAROON ng pagkakataon ang mga masugid na tagapanood ng kauna-unahang BL (Boy-Love) na serye ng …

Aiko Melendez Eddie Garcia

Aiko dapat nang ipasa ang ‘Eddie Garcia’ bill 

HINIMOK ni Quezon City Councilor Aiko Melendez ang Senado na ipasa ang tinatawag na “Eddie Garcia” bill, …

Domingo de Dolores Pakil, Laguna Sun Ring Rainbow

Sa Pakil, Laguna
IKA-235 PAGDIRIWANG NG DOMINGO DE DOLORES MGA DEBOTO GINULAT NG MALA-KORONANG SINAG NG ARAW

PINAG-ALAB ang pananampalataya ng mga deboto nang sila’y gulatin ng mala-koronang sinag ng araw na …

fire sunog bombero

International school sa QC, nasunog

SA kalagitnaan nang isinasagawang fire drill, biglang lumiyab ang apoy sa Starland International School (SIS) …