Tuesday , October 15 2024

Magaling ang utak ng Duterte camp sa ‘substitution’

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

AMINADO si Comelec Spokesman James Jimenez na mistulang pinaglalaruan ng mga kandidato ang sistemang ‘substitution’ sa ilalim ng Omnibus Election Code na puwedeng baguhin ng Kongreso para hindi na umiral pa ang ganitong sistema.

Ayon kay Jimenez, dapat na itong busisiin ng Kamara dahil mistula itong isang laro para pakiramdaman ang reaksiyon ng isang kalaban at lituhin ang taongbayan. Marami ang hindi pabor sa ganitong sistema na ang unang gumawa ay ang kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Meron pa ngang usapan, ‘di ko lang tiyak kung may katotohanan, na pakawala lamang si Manila Mayor Isko Moreno, Senator Ping Lacson  at Manny Pacquiao ng Duterte camp upang basagin at lituhin ang mga botante ni VP Leni Robredo, dahil ang Luzon ang may pinakamalaking boto habang si Pacquiao ay sa Mindanao at si Senator Lacson ay sa bahaging Calabarzon. How true?

Sa social media nagsisimula ang mga fake news at may matatapang na accounts na nagpo-post at nakikipagdebate sa mga negatibong post sa wall. Nakaaalarma ito at higit sa lahat nakahihiya sa mga taga-ibang bansa na nakikita at nababasa ang magulong kampanyahan sa ating bansa. Simula pa lang ‘yan, sana huwag maging madugo!

CALIXTO TEAM PA RIN SA PASAY

Sa listahan ng mga tatakbong alkalde at bise sa lungsod ng Pasay, ‘matik na walang tatalo sa team Calixto dahil walang binatbat ang mga kalaban. No need to mention ang mga pangalan baka sagasaan ako! Emi Calixto pa rin sa pagka-Mayor at Tony Calixto for Congressman

Mahirap talunin si Mayora Emi dahil personal siyang nakikita at nakakamayan. Mas matagal ang inilalagi sa kalsada para makita ang mga nangangai­la­ngan ng kan­yang serbisyo, kaysa mag­ku­long sa kanyang opisina. Mga imbitasyon ng mga residente, ng barangay hindi puwedeng hindi puntahan ng mayora, dahil gusto niyang suklian ang ti­wa­la at suporta na ipinag­ka­tiwala sa kanya ng mga taga-Pasay.

Kung mayroong babaeng walang pahinga, ‘yan si Emi Calixto-Rubiano. Idagdag pa natin ang kanyang bise alkalde na si Boyet del Rosario na kaibigan ng lahat. Hindi pa man politiko, mahusay sa pakikisama. Sa mga konsehal, si Joey Calixto Isidro masipag at mahusay ang PR, si Edith Manguerra na kada linggo, araw ng Biyernes ay may FB live streaming na namamahagi ng mga papremyo.

Sila ‘yung mga politikong gumagastos para tumulong kahit lampas pa sa kanilang suweldo. Sabi nga abono pa sa kagustuhang makatulong. Hindi rin pahuhuli si Councilor Moti Arceo na nasa huling termino, at ang anak niyang lalaki ang hahalili upang maipagpatuloy ang paglilingkod sa lungsod ng Pasay. Si konsehala Donna Vendivel, na mas kilala sa programang libreng kabaong at serbisyo sa mga namatayan ng mga mahal sa buhay at sa ibang programang pang-medical. Si Konsehala Tonya Cuneta, na sa kabila ng maraming pagsubok na dumating sa buhay, bukas pa rin ang mga palad at handang tumulong sa mga kapos-palad.

Suwerte ang mga taga-Pasay dahil ang team Calixto ay may pagkakaisa, walang bangayan, ‘yan dapat ang iboto natin ang nagkakaisa para matupad ang mga programa na ang makikinabang ay mga taga- Pasay.

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Unang hamon sa integridad ni Torre

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. WALA pang isang linggo mula nang tanggapin niya ang …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Naggagandahang obra ng PDLs, bida sa BIDA ng BJMP

AKSYON AGADni Almar Danguilan BIDANG-BIDA ang mga naggagandahang obra ng mga persons deprived of liberty …

Dragon Lady Amor Virata

Mga police security ng kandidato alis muna

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata PAG-UUSAPAN na sa Commission on Elections (Comelec) ang araw …

Sipat Mat Vicencio

Lapid, Abby tagilid na kandidato ni Bongbong

SIPATni Mat Vicencio HINDI kakayaning makapasok sa ‘Magic 12’ ang lahat ng kandidato ni Pangulong …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …