Thursday , October 10 2024

Oplan sita sinibatan
3 RIDER NASAKOTE SA P1.5 M SHABU SA KANKALOO

SA HOYO bumagsak ang tatlong rider matapos makuhaan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangaking sumibat sa mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan City police chief Col. Samuel Mina, Jr., ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Feliciano, 43 anyos; Regie Rivera, 35 anyos, messenger, kapwa residente sa Sampalok, Maynila; at Jeric Sy, 52 anyos ng 5th Avenue Brgy. 53 sa nasabing lungsod.

Sa ulat ni Col. Mina kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., dakong 12:05 am, nagsasagawa ng Oplan Sita sa kahabaan ng Taksay St., Brgy. 28 ang mga tauhan ng Tuna Police Sub-Station (SS1) sa pangunguna ni P/Maj. Jerry Garces nang parahin nila ang mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo dahil walang suot na helmet.

Ngunit hindi pinansin ng mga suspek ang mga pulis at tinangka pang tumakas dahilan upang habulin sila ng mga awtoridad hanggang bumangga sa nakaparadang truck si Sy at naaresto ang dalawa niyang kasama.

Nang kapkapan, nakuha ni P/Cpl. Joeph Young kay Sy ang isang nakataling plastic sachet na naglalaman ng tinatayang 100 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price na P680,000.

Nakuha ni P/Cpl. Christian Malinao kay Rivera ang isang medium plastic sachet na naglalaman ng 25 gramo ng hinihinalang shabu, may standard drug price P170,000.

Samantala, nasamsam ni P/SSgt. Ernesto Camacho kay Feliciano ang isa pang nakataling plastic sachet na naglalaman ng 100 gramo ng hinihinalang ilegal na droga, may standard drug price P680,000 at isang weighing scale.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Art 151 of RPC, RA 10054 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Ramon San Diego Bagatsing III Pablo Dario Gorosin Ocampo

Haligi ng serbisyo publilko sa Maynila
BAGATSING AT OCAMPO NAGKAISA PARA SA BAGONG PILIPINAS

NAGSANIB-PUWERSA sa isang malalim na  makasaysayang pamana ng paglilingkod ang mga Bagatsing at Ocampo sa …

Alexandria Queenie Pahati Gonzales

“Queenie” magbabalik sa Mandaluyong City

MAGBABALIK sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang dating congresswoman ng nag-iisang distrito ng Mandaluyong City …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Isko Moreno Honey Lacuna

Yorme sa pagtapat kay Honey — Bahala na ang tao ang humusga kung sino ang gusto nila

I-FLEXni Jun Nardo PORMAL nang naghain ng candidacy bilang Manila Mayor aspirant si Isko Moreno kahapon ng …