Tuesday , January 31 2023
knife saksak

Janitor pinagsasaksak ng helper

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang janitor matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Ginagamot sa Tondo Medical Center  (TMC) ang biktimang kinilalang  si Gomer Damot, 32 anyos, residente sa Espiritu St., Brgy. Tinajeros sanhi ng mga saksak sa katawan.

Patuloy na pinaghahanap  ang suspek na kinilalang si Jay-ar Ladia, 26 anyos, kapitbahay ng biktima sa nasabing lugar.

Sa tinanggap na ulat ni Malabon police chief, Col. Albert Barot, dakong 9:00 pm, kainuman ng biktima ang kanyang tiyuhin sa  kanyang bahay at nang makaubos ng ilang bote ng alak ay lumabas si Damot upang bumili ngunit nakita niya ang suspek na umiinom din kasama ang kaibigan nito.

Tinanong ng suspek ang biktima “Ano ang problema mo?” na sinagot niya ng “Kung sasabihin ko ba sa iyo masosolusyonan mo?” na ikinagalit ni Ladia ngunit inawat siya ng kanyang mga kaanak.

Gayonman, nang paalis na ang biktima matapos ang negosasyon ay naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng ilang saksak sa katawan ang biktima bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksiyon habang isinugod si Damot ng nagrespondeng mga pulis sa naturang pagamutan. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano …

shabu drug arrest

Nag-aabutan ng shabu sa Vale
2 TULAK, HULI SA AKTO

BAGSAK sa kulungan ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos maaktuhan ng mga pulis na nag-aabutan …

marijuana

Drug group member, kasabwat nabingwit sa drug bust

KULONG  na  ang dalawang tulak ng droga, kabilang ang isang miyembro ng “Zaragosa drug group” …

prison rape

Most wanted sa Vale
KELOT, HOYO SA KASONG STATUTORY RAPE

HULI ang isang 18 anyos na kelot na listed bilang most wanted sa kasong statutory …

cyber libel Computer Posas Court

Sex offenders database itinutulak ng senador

ITINUTULAK ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagtatatag ng isang pambansang database ng mga sex …