Wednesday , December 11 2024
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Resulta ng face-to-face classes hilaw na pagkatuto ng kabataan

Isumbong mo
kay DRAGON LADY
ni Amor Virata

SABI ng mga magulang na may pinag-aaral na mga anak, iba pa rin ang pumapasok sa eskuwela ang kanilang mga anak. Mas maraming natututuhan, ‘di gaya ngayon na mas magastos, at mas kakaunti ang pumapasok sa kukote ng kanilang mga anak hinggil sa mga dapat matutuhan.

Kadalasan pa, ayon sa mga magulang, pagkatapos ng klase sa online, mobile legend na pala ang ginagawa ng anak na hindi na nila maistorbo.

“Iba pa rin ang face-to-face classes, dito ay mas natututo ang aming anak at ang mga guro ay nagsisilbing magulang sa loob ng klase, may takot ang mga bata kapag sinasaway sa mga maling gawa!” pahayag ng mga magulang.

Ngunit ang hinaing na ito ng mga magulang ay hindi pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil nababahala pa rin ang pangulo sa posibleng mangyari hangga’t hindi nababakunahan ang lahat upang maiwasan ang CoVid-19 at ang panibagong Delta variant na nakapasok sa bansa.

Ano nga ba ang  magiging talino ngayon ng mga kabataan sa kanilang pagtanda na ang basehan ay mga modules na kailangan basahin para sa kanilang pag-aaral?

Iba pa rin ang face-to- face classes, dahil dito ay nade-develop ang perso­nalidad ng isang mag-aaral, gaya ng tamang paki­kiharap sa iba’t ibang kaklase. Ang pagpapalitan ng kuro-kuro sa isang subject, nandiyan ang oral recitation na kadalasan ay sinasagot ng mga mag-aaral ang tanong ng guro. Ang mag-aaral ay nagkakaroon ng self-confident sa sarili kapag maayos na nakasagot sa harapan ng mga kaklase. Kung ‘di makasagot ay nahihiya sa mga kaklase, nagiging daan upang mag-aral nang mabuti upang ‘di na maulit pa na hindi makasagot!

Mas magastos, dahil kung nasa bahay ay walang kontrol sa pagkain, hindi alam ng teacher na junk foods na ang nginunguya habang nakikinig sa harap ng computer. ‘Di tulad sa loob ng classroom, mayroong recess o breaktime!

Iba pa rin ang aktuwal na pag-aaral, dati ay kitang-kita ang ibinabayad na matrikula ng mga magulang na sulit na sulit!

Higit sa lahat, nauubos ang pondo ng mga local government  sa mga pagbibigay ng monthly allowances sa mga mag-aaral sa Public Schools. Mga dagdag panggastos na ng mga pagkain sa bawat pamilya na hindi lamang ang mag-aaral na dapat ay maki­na­bang! Dapat siguro ay itigil muna dahil mga magulang naman ang nakikin­abang, hindi ang mag-aaral!

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Victory Liner Inc., goes eco-friendly

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA ang inyong nabalitaan, ang Victory Liner Inc. (VLI), ang top …

Firing Line Robert Roque

Pagod na sa daluyong — kahit pa nasa tasa

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MAKALIPAS ang 10 araw sa detension, pinalaya na nitong …

Dragon Lady Amor Virata

Bayaw vs hipag for P’que city mayor

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGBABALIK si formermayor and congressman Edwin L. Olivarez sa …

YANIG ni Bong Ramos

Abolished na police department/s ipinangongolekta pa rin

YANIGni Bong Ramos DALAWANG departamento ng pulisya na matagal na panahon nang abolished ang ipinangongolekta …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *