Friday , October 11 2024

Dito at Doon ‘di maipalalabas sa mga sinehan 

SA kasalukuyan, hindi muna maipalalabas sa mga sinehan ang pelikulang Dito at Doon nina JC Santos at Janine Gutierrez dahil muli itong ipinasara dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Covid-19 cases.

Dapat sana ay sa Marso 17 ang showing ng pelikula na produced ng TBA Studios at sa Marso 31 naman sa online streaming, pero dahil nga sa sarado pa ang mga sinehan kaya iniurong sa Abril 21.

Kaso hindi pa pala sigurado kung magbubukas ng Abril dahil inilagay na rin sa total lockdown ang ilang barangays sa Metro Manila dahil maraming nag-positibo sa Covid19.

Base sa official statement ng Dito at Doon ni Mr. Ed A. Rocha, CEO ng TBA Studios.

“TBA Studios’ upcoming film ‘Dito at Doon’ will proceed with its scheduled online release this coming March 31, 2021, while it’s theatrical release is currently on hold. The JC Santos – Janine Gutierrez romance movie was supposed to arrive in theaters nationwide on March 17.

“The change comes after careful decision among the film’s producers with everyone’s health and safety as their utmost priority.

“We have decided to release ‘Dito at Doon’ exclusively online for the time being.  This was a very difficult decision for the whole team, but one that has everyone’s best interest in mind.”

Say pa ni Mr. Rocha, “We know how much it means for a lot of people to finally share this experience together on the big screen and we feel positive that there would still be a chance for us to do so. But for now, we are happy to offer an accessible and convenient alternative for Filipino movie fans eagerly waiting to see ‘Dito at Doon.”

Mapapanood ang Dito at Doon sa online streaming tulad ng KTX. PH, Cinema ’76 @ Home, iWant TFC, at Ticket2Me. May early bird promo ang Dito at Doon sa halagang Php300 at 350 naman sa regular price. Magkakaroon naman ng world premiere ang Dito at Doon thru KTX.PH sa Marso 28.

Dagdag pa ni Mr. Rocha, “We are so grateful to everyone who has shown love and support for this film.  We hope that they would continue to extend that support not just for ‘Dito at Doon’, but the whole Philippine Film Industry as well.  It has been a challenging year, but we at TBA Studios remain hopeful.  We appreciate everyone’s patience and we look forward to bringing this timely yet timeless, heartwarming film to you very soon.”

At sa karagdagang impormasyon, maaring bumisita sa https://www.facebook.com/TBAStudiosPH, follow TBA Studios on Twitter, Instagram, and Youtube. Join the conversation online using the hashtags #DitoAtDoon #ProudlyTBA.

Reggee Bonoan

About Hataw Tabloid

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *