Wednesday , December 4 2024
Ang tinatawag na walking dead na mga zombie sa popular na television hit series na may gayong titulo. Maaaring ituring na biro ang preparedness campaign ng CDC ngunit mahalaga ito para sa ating kaligtasan. (Larawan mula sa Gene Page/AMC)

2021 Zombie Apocalypse abangan (Ayon kay Nostradamus)

Kinalap ni Tracy Cabrera

ATLANTA, GEORGIA — Sa isa sa kanyang mga prediksiyon, inihayag ng ika-16 na siglong French astrologer na si Nostradamus, magkakaroon ng ‘zombie apocalypse’ sa taong 2021 — at ngayong 2021 na nga, nais ng United States Centers for Disease Control and Prevention na sigurohing ang mga tao ay handa… kung sakaling magkatotoo ang hula ni Nostradamus.

Kamakailan ay ini-update ng CDC ang Zombie Preparedness section sa kanilang website — totoo nga, mayroon silang espesyal na section tulad nito — at habang hindi ito bago (inilunsad ito noong 2011), maganda ang masasabing ‘timing’ nito sa gitna ng umiiral na global pandemic dala ng novel coronavirus o nCoV kaya maaari ngang magkaroon ng sinasabing zombie apocalypse.

Ngunit inilinaw ng ahensiya sa online na ito, biro lamang, dangan nga lang ay mayroong seryosong mensahe ito ukol sa kahalagahan ng disaster preparedness.

“Wonder why zombies, zombie apocalypse, and zombie preparedness continue to live or walk dead on a CDC web site?” saad sa landing page nito. “As it turns out, what first began as a tongue-in-cheek campaign to engage new audiences with preparedness messages has proven to be a very effective platform. We continue to reach and engage a wide variety of audiences on all hazards preparedness via ‘zombie preparedness’.”

Ayon sa disaster preparedness expert at doktor, matalino ang kampanyang ito ng CDC.

“I think it’s great. As we’ve seen with coronavirus, disaster preparedness is crucial,” punto ni University at Buffalo’s Jacobs School of Medicine & Biomedical Sciences professor John Sellick.

Sumang-ayon dito si Federal Emergency Management Agency (FEMA) – certified natural disaster preparedness instructor Cheryl Nelson, pundador ng grupong Prepare with Cher, agreed: “I think this is brilliant. It is definitely an attention-getter and it makes preparing fun. The more creative ways we can get the preparedness message out, the better.”

“(The CDC) is simply trying to make disaster preparedness relatable to different populations,” sinubukang ipaliwanag ni Rutgers School of Public Health’s Department of Urban and Global Public Health associate professor Mitchel Rosen.

Ani Rosen, ang pag-uuugnay sa paksa sa isang zombie apocalypse ay “nagbigay interes sa mga tao ukol sa disaster preparedness.”

About Tracy Cabrera

Check Also

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

DOST R02 Strengthens Efforts Against Online Exploitation Through RA 11930 Webinar

In line with the nationwide observance of the 18-Day Campaign to End Violence Against Women …

Moon Su-In Noreen Divina Skinlandia Rams David 

Moon Su-In bagong endorser ng Skinlandia

RATED Rni Rommel Gonzales BONGGA ang Skinlandia ni Madam Noreen Divina dahil ang pinakabago nilang celebrity endorser ay ang …

A Priceless Gift from DOST-1 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

A Priceless Gift from DOST-1: 1st Solar-Powered Water Desalination Facility in Silaki Island

SILAKI ISLAND, a heart-shaped 10-hectare islet located at Brgy. Binabalian, Bolinao, Pangasinan is renowned as …

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Christmas by the Lake Taguig Cayetano

Christmas by the Lake ng Taguig muling binuksan sa publiko, tampok mga bagong atraksiyon

NGAYON sa ikatlong taon nito, ang pinakaaabangang Christmas by the Lake ay muling binago ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *