Sunday , July 20 2025
shabu drug arrest

Tulak umulit 1 pa timbog (P340K shabu nabisto)

SA IKALAWANG pagkakataon, timbog ang tulak ng ilegal na droga matapos makuhaan ng P340,000 halaga ng shabu, kasama ang isa pa sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Caloocan City Police chief Col. Dario Menor ang naarestong mga suspek na sina Alcar Dugay, 20 anyos, residente sa Gonzales St., Barangay 69, at Joon Job Payumo, 18 anyos ng Masagana St., Barangay 73 sa nasabing lungsod.

 

Sa report ni Col. Menor kay Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan, dakong 1:00 am nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo ang buy bust operation laban sa mga suspek sa Heroes Del 96 St., sa nasabing barangay.

 

Nagawang makabili ni P/Cpl. Rommel Toribio na umaktong poseur buyer sa mga suspek ng P10,000 halaga ng shabu at nang tatanggapin ng mga suspek ang marked money ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang dalawa.

 

Nakompiska sa mga suspek ang aabot sa 50 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P340,000 ang halaga, digital weighing scale at isang P1,000 bill na nakabungkos sa siyam pirasong P1,000 fake/boodle bills na ginamit bilang buy bust money.

 

Ayon kay P/Capt. Cabildo, si Dugay ay nasa watchlist na kabilang sa dating Priority Drug Personalities ng Caloocan Police at naaresto ng mga tauhan ng TMRU sa ilegal na droga noong 4 April 2020 ngunit nakalaya kamakailan matapos makapagpiyansa.

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drug Act of 2002 habang nakapiit sa detention cell ng Caloocan City Police. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Nursing Home Senior CItizen

Maling akala vs panukalang “Parents Welfare Act” klinaro

NAIS itama ni Senador Panfilo “Ping” Lacson ang ilang maling akala at malisyosong paratang ng …

071825 Hataw Frontpage

Legal adoption at anti-human trafficking nais palakasin
‘BABIES FOR SALE’ ONLINE ISASALANG SA SENADO

ni Niño Aclan “BABIES are not commodities.” Binigyang-diin ito ni Senadora Pia  Cayetano kasabay ng …

Antonio Carpio SC Supreme Court

Dahil sa pagiging co-equal branch of government
SC PINAALALAHANAN NI CARPIO SA PAG-USIG vs MAMBABATAS

PINAGHIHINAY-HINAY ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio ang Korte Suprema kaugnay sa pagkuwestiyon …

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo lalaki sa Bulacan tiklo

Huli sa aktong pagkatay sa sinikwat na motorsiklo, lalaki sa Bulacan tiklo

DINAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaking pinaniniwalaang kabilang sa grupo ng agaw-motorsiklo sa lungsod …

Batangas Money

Batangas SP nananawagan ng pagkakaisa para sa sesyon

NANANAWAGAN ng pagkakaisa ang mga board members at lupon ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Batangas …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *