Saturday , July 19 2025

Makati Revenue collection tumaas, pinakamataas na audit rating ng COA nasungkit (Sa kabila ng pandemya)

PATULOY na isinusulong ni Makati Mayor Abby Binay ang ‘no contact’ policy upang mawala ang mga fixer at matigil ang korupsiyon, partikular sa pagproseso ng business permits  sa lungsod ng Makati.

Inihayag ito ng babeng alkalde matapos masungkit ng siyudad ng Makati sa ikatlong pagkakataon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) para sa 2019 financial statements, habang ang revenue collections ay tumaas ng apat porsiyento sa panahon ng pandemya.

Ang Makati City Government ang kauna-unahang lokal na pama­halaan na nakapagtala ng ‘three-peat achievement’ dahil tatlong sunod-sunod na taon itong nakamit.

Natuwa si Makati City Mayor Abby Binay nang matanggap ang liham na nilagdaan noong 6 Hulyo 2020 ni Commission on Audit (COA) director Omar Roque.

Nakasaad aniya, ito sa ‘unmodified opinion’ na ibinigay ng COA matapos magpasiyang patas at naaayon sa generally accepted accounting principles ang sinuring financial statements ng lungsod.

Inihayag din ng alkalde na nakapagtala ng 4% revenue growth ang Makati sa unang kalahati ng taon.

Base sa ulat ni City Treasurer Jesusa Cuneta, tumaas ng 4 porsiyento ang koleksiyon mula sa business tax na umabot sa P6.69 bilyon, kompara sa P6.42 bilyon noong nakaraang taon.

Ang kita mula sa Real Property Tax ay tumaas ng 3 % at naging P4.72 bilyon, mula sa P4.58 bilyon noong 2019.

Dàgdag ni Cuneta, naabot ng lungsod nitong Hunyo ang 73% ng target revenue para sa taong 2020 matapos umabot sa P12.98 bilyon ang aktuwal na koleksiyon.

Layon ng lungsod na makakalap ng P17.76 bilyon sa buong taon.

Inihayag ng alkalde na nasorpresa siya nang malamang tumaas pa ng apat porsiyento ang revenue collections sa unang semester ng 2020 sa kabila ng mga hamong dulot ng COVID-19.

Umaasa siyang magpapatuloy ang pagtaas ng koleksiyon sa mga susunod na buwan.

Sa nakaraang apat na taon, patuloy na ipinatu­tupad ng lungsod ang mga reporma at ino­basyon na nagtataguyod sa transparency at efficiency sa pama­mahala.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

BlueWater Day Spa 5

Teejay Marquez at Choi Bo Min, sinabi mga gustong maka-bonding sa BlueWater Day Spa

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SINA Teejay Marquez at Korean actor na Choi Bo Min ang …

Park Seo-Jun Anne Curtis

Park Seo-Jun kinasabikan ng Pinoy, nagbahagi sikreto sa malusog na katawan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DUMAGUNDONG ang Big Dome noong Sabado ng gabi, July 12 sa …

Dingdong Dantes Charo Santos Regine Velasquez-Alcasid Jonathan Manalo mwell

Regine, Jonathan manalo pinangunahan advocacy campaign ng mWell 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus INILUNSAD ng mWell’s advocacy campaign ang official wellness anthem na I Am Well. …

BlueWater Day Spa FEAT

From Manila to Seoul: BlueWater Day Spa Marks 20 Years with Global Glow and Local Soul

A new era of wellness begins as BlueWater Day Spa unveils its newest brand ambassadors. …

ICTSI PPA

Philippine Ports Authority nagdiwang ng ika-51 anibersaryo
ICTSI at PPA: Magkatuwang sa Pagsusulong ng Modernong Pantalan at Kaunlarang Pangkabuhayan sa Filipinas

SA PANAHON ng muling pagbubukas ng mga pandaigdigang hangganan at paglago ng international trade matapos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *