Wednesday , March 22 2023

Valdez humakot ng ginto sa Palarong Pambansa

VIGAN CITY – Hinataw ni Princess Sheryl Valdez ng SOCCSKSARGEN  ang apat na gold medals sa arnis sa 61st Palarong Pambansa 2018 na gina­nap sa San Vicente Municipal Gym.

Dalawang record naman ang nabura sa pa­ngalawang araw na bakbakan ng mga student athletes.

Tinarak ni 17-year-old Francis James San Gabriel ng Region I ang tiyempong 9: 33: 01 sa 2000m Walk upang sikwatin ang gold medal sa Secondary Boys na ginanap sa Quirino Stadium, Bantay, Ilocos Sur.

Binura ni Umingan, Pangasinan native San Gabriel ang record ni Bryan Oxales ng National Capital Region, (NCR) na 10:11:3 na tinala nung  nakaraang taong edition sa Antique.

Si Oxales din ang nakadikdikan ni San Gabriel habang papalapit ng meta.

“Sa last 100 meters parang hindi ko kakayanin, sobrang pagod na tapos kinakabahan talaga ako noon,” kuwento ni San Gabriel.  “Narinig ko ‘yung sigawan nung mga teammates ko parang nabuhayan ako, nadagdagan ‘yung lakas.

Isang hakbang lang inungusan ni San Gabriel si Oxales na nakopo ang silver medal, napunta ang bronze me­dal kay Peter Lachica ng Region XII.

Si Kasandra Hazel Alcantara ng NCR ang umukit ng bagong record sa Shot Put sa Secondary Girls.

Nilista ni Alcantara ang 11.88m upang sikwatin ang gold at burahin ang matagal ng nakaukit na record ni Marites Barrios noong 1992.

(ARABELA PRINCESS DAWA)

About Arabela Princess Dawa

Check Also

Marian Calimbo

Cebuana chesser nakatutok sa Malaysia tourney

MANILA — Isang 20-anyos chess player mula Malabuyoc, Cebu ang nakatakdang lumipad sa Malaysia para …

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

SLP-PH humakot ng 61 medalya sa AOS tilt sa Thailand

HUMAKOT ang Swimming League Philippines – Team Philippines (SLP-PH) nang kabuuang 61 medalya, kabilang ang …

Buhain COPA Swimming

Suporta ng COPA sa ‘Stabilization Committee’ — Buhain

IDINEKLARANG tagumpay ang ikinasang National swimming tryouts ng Stabilization Committee na nilahukan ng 188 atleta …

Darren Evangelista Langoy Pilipinas

Top swimmers ng Langoy Pilipinas sasabak sa Guam

KASADO na ang programa para sa international exposure ng mga batang medalists at promising swimmers …

Eric Buhain swimming

Buhain nanghimok makilahok sa PH swimming tryouts

HINIKAYAT ni swimming legend Batangas 1st District congressman Eric Buhain ang lahat ng Filipino swimmers …

Leave a Reply