Saturday , October 5 2024

Urduja lumakas nagbanta sa Timog Luzon, Visayas

BAHAGYANG lumakas ang tropical storm Urduja at inaasahang mag-landfall sa Eastern Samar ngayong Biyernes, ayon sa state weather bureau PAGASA, kahapon.

Sa 5:00 am bulletin, sinabi ng PAGASA, ang bagyong Urduja ay may taglay na lakas ng hangin hanggang 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong hanggang 90 kilometro kada oras.

Ang bagyo ay huling namataan sa 85 kms ng east southeast ng Guiuan, Eastern Samar.

Bunsod nito, itinaas sa signal no. 2 ang Eas-tern Samar, at Biliran.

Habang itinaas sa signal no. 1 ang Catanduanes, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate, Romblon, Northern Samar, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu kabilang ang Bantayan Island, Capiz, Aklan, at Northern Iloilo.

Habang inaasahan ang malawak na buhos ng ulan sa Visayas at mga rehiyon ng Bicol, Caraga, at Nor-thern Mindanao  sa loob ng 24-oras, ayon sa PAGASA.

Tinatayang ang bag-yong Urduja ay hihina patungo sa low pressure area pagsapit ng Lunes habang binabagtas ang Masbate area.

Pinayohan ng PAGASA ang mga mangi-ngisda at  may maliliit na bangka na huwag munang pumalaot sa eastern seaboard ng Bicol Region at seaboard ng Visayas bunsod ng malakas na alon.

About hataw tabloid

Check Also

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Arrest Posas Handcuff

Solar installer arestado sa baril, bala at droga

MATAGUMPAY na naihain ng Nueva Ecija Police Provincial Office (NEPPO) ang dalawang search warrant laban …

Redrico Maranan Jose Hidalgo Jr Rommel Marbil

Hidalgo nagretiro
 P/BGEN MARANAN GUMANAP NA BILANG BAGONG PRO3 CHIEF

PORMAL na nagretiro sa serbisyo si P/BGeneral Jose S. Hidalgo, Jr., at kompiyansang ipinasa ang …

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

2024 SOCCSKSARGEN Regional Science and Technology Week now open

THE Department of Science and Technology Region 12 (DOST XII) officially kicked off the 2024 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *