Friday , October 4 2024

Isa pang aktres ibinulgar si Weinstein

NAPABILANG na rin ang aktres at A-lister na si Salma Hayek sa mahigit 40 bituin sa pinilakang tabing na nagturo kay Harvey Weinstein na bumiktima sa kanila sa salang sexually harassment.

Ipinaranas sa kanya ang matinding kahihiyan at binantaan pa siyang patayin ng Hollywood mogul.

“For years, he was my monster,” tinukoy ni Hayek ang sikat na film producer, batay sa sinulat ng Mexican-born star sa isang essay na nalathala sa pahayagang The New York Times para idetalye rin ang torturous production ng pelikulang Frida noong 2002 na siyang naglunsad kay Hayek para sa nominasyon sa Oscar bilang best actress.

Makaraang makamit ang isang deal kay Weinstein para bayaran ang rights sa nasa­bing pelikula na nagpasikat kay Hayek, inihayag ng 51-anyos aktres na naging “my turn to say no” ang situwasyon.

“No to opening the door to him at all hours of the night, hotel after hotel, location after location,” sinulat niya sa essay.

“No to me taking a shower with him. No to letting him wath me take a shower. No to letting him give me a massage. No to letting a naked friend of his give me a massage. No to letting him give me oral sex. No to my getting naked with another woman,” dagdag niya.

Kasabay ng binansagang ‘Machiavellian’ nagalit ni  Weinstein sa bawat pagtanggi, inihayag din ni Hayek ang na­kagigimbal na mga kataga ng Hollywood mogul: “I will kill you, don’t think I can’t.”

“After jumping through impossible demands set by Weinstein to keep the movie on track, the sexual harassment stopped once filming began ‘but the rage escalated,” inilarawan ng aktres.

Pinintasan ni Weinstein ang kanyang performance, pinarunggitan sa bahagi niyang wala umanong sex appeal, at pumayag lang na tapusin ang deal kung papayag si Hayek sa isang eksena sa pelikula na nakikipag-sex siya sa kapwa babae.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

DOST capacitates 39 DA-SAAD farmers with food safety, good manufacturing practices

TANGCAL, LANAO DEL NORTE—To provide modern technical guidance and assist farmers in value-adding production, the …

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

Mindanao gears up for disaster challenges with DOST’s ‘Handa Pilipinas’

THE Department of Science and Technology (DOST), through its office in Region XII, has launched …

RSTIW In CaLaBaRzon

2024 Regional Science, Technology, and Innovation Week (RSTIW) in CALABARZON

Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa at Panatag na Kinabukasan. Providing Solutions and …

DOST trains 17 Misamis Oriental agri-personnel on product development

DOST trains 17 Misamis Oriental agri-personnel on product development

THE Department of Science and Technology (DOST), with its Mobile Modular Food Processing Facility (MMFPF), …

SM Kids FEAT

Super activities all month round as SM celebrates SuperKids Month

Calling all SuperKids! This month of October, you’re the main character as SM Supermalls invites …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *