INIHAYAG ni dating health secretary Janette Garin nitong Lunes, da-pat panagutin ang pharmaceutical giant Sanofi Pasteur kapag napatunayang may itinagong impormasyon kaugnay sa kontrobersiyal na dengue vaccine Dengvaxia.
Sa kanyang pagsasa-lita sa pagdinig ng Senado kahapon, sinabi ni Garin, hindi batid ng DoH kung may itinagong impormasyon ang Sanofi hinggil sa bakuna bago inaprubahan ang P3.4 billion deal.
“Kung saka-sakali mang may impormas-yong itinago ang Sanofi sa DoH, sino ba namang mag-aakala na magtatago sila ng impormasyon?” aniya.
Sinabi ni Garin, ang Philippine Children’s Medical Center (PCMC) ang nagsagawa ng aktuwal na pagbili ng Dengvaxia ngunit batid niyang hindi corrupt ang mga opisyal ng nabanggit na ospital.
Dagdag niya, ang P3.4 billion procurement ay resulta ng isang dekadang pag-aaral makaraan komunsulta ang DoH sa medical experts at medical professionals hinggil sa bakuna.
“Ang desisyon sa pagbili ng Dengvaxia ay resulta ng dekadang pag-aaral at pagplano ng DoH. It is an institutional decision to address a public need,” aniya.
Samantala, humingi ng paumanhin si Garin sa pakikipagpulong sa mga opisyal ng Sanofi sa Paris noong Mayo 2015, ilang buwan bago inaprubahan ang Dengue vaccine para maibenta sa Filipinas.
Iginiit niyang walang malisya sa kanyang pa-kikipagkita sa Sanofi officials sa Paris.
Dagdag niya, hindi ito midnight deal at ang lahat ay above board.
“It’s not a midnight deal. Everything was above board. The integrity management committee report of the DoH will show that. Inuulit ko. The report is there,” aniya.