Saturday , April 20 2024
EDITORIAL logo

Inggit, yabang at dahas

ARAW-ARAW, bantad tayo sa mga nagaganap na karahasan na nakikita natin sa telebisyon, nababasa sa diyaryo at
‘yung iba sa atin, mismong sa harap ng dalawang mata nagaganap ang iba’t ibang uri nito.

Pero kung bubusisiin, marami sa mga karahasang ito ay nagsisimula sa inggit at yabang hanggang maging palalo lalo’t kung may hawak na kapangyarihan.

Inggit at yabang na nagreresulta sa pag-angkin sa hiram o pansamantalang kapangyarihan. Ang nakalulungkot dito, nagkamali ang mga nagtiwala.

At ang unang palatandaan ng pagkakamali, ang pag-abuso sa kapangyarihan ng pinagkatiwalaan.

Kapag pinuna sa pang-aabuso, nagmumukhang sumisanga­sing na halimaw. Ang bibig ay tila dragon na nag-aapoy sa pagmumura at ang mata ay nanlilisik na tila sa isang demonyo.

Isang kaigihan sa social media ngayon, nababantad kung paano mag-isip ang mga abusado. Mula sa pagpili ng salita hanggang kung paano makipag-usap sa kanilang katalo o ka-argumento.

Ang problema, kapag kinakapos sa pangangatuwiran at rason, agad kumakalas sa ‘lona ng maginoong laban’ at nagbabanta ng karahasan.

About hataw tabloid

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

YANIG ni Bong Ramos

Riders at tricycle drivers, ‘suki’ ng traffic enforcers

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang kalagayan ng riders at tricycle drivers dahil sila ay suking …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *