Friday , October 11 2024

Sylvia, binasahan at kinuwentuhan ang 150 kabataan

ANG saya ng pakiramdam ni Sylvia Sanchez nang magkaroon siya ng pagkakataong mag-story telling sa 150 kids nang maimbitahan siya ng Inquirer para sa monthly activities katuwang ang Alliance PNB Insurance.

Matagal na naming nakakasama ang aktres at alam naming malambot talaga ang puso niya sa mga bata at matatanda kaya naman mabilis ang pag-oo niya nang imbitahan siya sa ReadALong.

Nag-post ang aktres ng litrato ng mga batang binasahan niya ng kuwento, ”thank you @inquirer for giving me the opportunity to read a story to the kids. I had a blast talking to them! I am grateful, happy and humbled. #mylife #kids #family  #happiness  #blessed #priceless #thankuLORD  sa panibagong blessing na ito. Happy afternoon.”

Sabi pa ni Ibyang, ”first time kong gawin ito at nakatutuwa ang sarap sa pakiramdam kasi mga bata ‘yan, eh. Isipin mo, mga 5 to 7 years old ang dami nilang wish sa buhay kaya sabi ko nga sa kanila, huwag silang bibitaw sa mga pangarap nila dahil matutupad nila iyon balang araw basta’t magpursige sila.”

Habang nagbabasa ang aktres ay nakarinig siya ng mga batang nag-aaway, nagkukulitan, at may naghihilahan pa ng buhok.

“Idinarasal ko nga na ‘focus’ lang ako kasi habang nagbabasa ako, may nag-aaway kasi nagkapikunan, may naglalaro, kaya sinabihan ko na huwag silang mag-away. Nakikinig naman sila, pero mga bata, eh, kaya hindi maiwasang magkulitan na naman,” say pa ng aktres.

At nakatutuwa ang mga bata dahil panay din ang lapit sa kanya lalo na ang ilang batang hindi nakalakihan ang mga magulang sa tabi nila.

ARJO AT SUE
NAGKA-IGIHAN
SA BALER

PAGKATAPOS ng ReadALong ay diretso naman si Sylvia sa Pacific Mall sa Lucena City para sa Hanggang Saan mall show kasama ang mga millennial na sina Arjo Atayde, Yves Flores, Marlo Mortel, at Sue Ramirez with Viveika Ravanes.

Mainit ang pagtanggap ng mga taga-Lucena sa cast ng Hanggang Saan at kilala nila ang mga karakter na ginagampanan ng bawat isa.

Sadyang pinaghandaan ng mga taga-Lucena ang pagdating ng grupo dahil may mga dala silang streamers at placard na may mga nakasulat na ‘welcome Hanggang Saan’ at may mga nabasa kaming  SuJo (Sue at Arjo) bukod pa sa PaNa (Paco at Anna-karakter ng dalawa).

Unang nag-perform si Marlo na bumilib kami kasi ngayon lang namin siya napanood at mahusay ang showmanship niya lalo nang magpakilig sa mga babae kaya naman bentang-benta siya sa kanyang pagyakap-yakap with matching picture pa. Inoobserbahan namin ang binata na mabait at palabati maski off-cam.

Sumunod si Yves na sobrang daldal noong nasa backstage pero noong sumampa na sa entablado ay nawala na dala marahil na overwhelmed siya sa rami ng tao at may tumatawag sa kanya ng Domeng na karakter niya sa Hanggang Saan.

Komedyana talaga si Sue dahil habang kumakanta ay panay ang smile n’ya kapag nakitang may magpi-picture sa kanya at in fairness, sikat na ang dalaga dahil ang dami-daming lalaking hindi naawat na umakyat ng entablado para ma-beso at magpakuha sa kanya ng malapitan.

Walang production number si Ibyang dahil hindi siya nakapag-record kaya nagpa-games na lang at kung sino ang makahula ng tamang sagot ay binigyan ng Hanggang Saan loot bag.

Nilapitan si Ibyang ng matandang may kasamang bata at sinabing, ”ngayon lang po ako pumunta ng mall show kasi gusto kitang makita ng personal kasama ko ang anak at apo ko, gusto ko lang magpa-picture sa ‘yo. Ang ganda-ganda at ang bata mo pala bakit sa TV ang tanda mo tingnan?”

At panghuli si Arjo na ipinakilala ng nanay niya na talagang tinilian ng marami at isinisigaw ang pangalan niyang Paco na panay din ang picture sa kanya ng mga kababaihan at mga bata rin.

Game na game si Arjo sa pag-akyat sa balcony section ng Pacific Mall theater para abutin ang mga tagahangang isinisigaw ang pangalan niya.

Pagkatapos ng show ay hindi kaagad nakaalis ang grupo sa rami ng gustong magpa-picture sa kanilang lahat dahil bihira nga naman dalawin ng artista ang lugar nila kaya sinamantala na.

Kaya naman kahit pagod sa mahabang oras na biyahe ay ang saya ng pakiramdam ng Hanggang Saan cast dahil marami silang napasayang tao na nagpapasalamat dahil nakita sila ng personal.

Samantala, mapapanood ngayong hapon ang Baler scenes nina Arjo at Sue na kuwento ng taga-productions ay kilig na kilig sila at dito sila magkaka-developan sa kuwento. Kailan kaya sa tunay na buhay?

BAKIT NAMAN
AKO MAGAGALIT
KAY ECHO?
— ATTY. JOJI


NAKAUSAP namin ng solo ang Quantum producer na si Atty. Joji Alonso pagkatapos ng presscon ng pelikulang All of You kasama ang patnugot namin dito sa Hataw na si Ateng Maricris V. Nicasioat tinanong namin kung may galit siya kay Jericho Rosales na umatras bilang original leading man ni Jennylyn Mercado sa pelikula.

“Bakit naman ako magagalit kay Echo? I respect his choice. He has his own reason for it, alam ko talaga na may gagawin siyang project abroad during that time, he was in and out of the country, so kami rin ang maiipit if we could not start on time,” bungad paliwanag ni Atty. Joji.

Sa tanong kung kanino ba unang um-oo si Jericho, sa All of You o sa Siargao na entry naman ng Ten17 Productions ni Direk Paul Soriano?

“We talked to his management and um-oo naman siya (Echo) to do a movie with us, so kung sino ang nauna, hindi ko alam. Hindi ko masasagot sa timing ng pag-accept niya sa ‘Siargao’ at sa amin,” saad ng isa sa producer ng All of You.

As of this writing ay hindi pa nagkikita sina Atty. Jojie at Jericho, ”I haven’t seen him since then, but he texted me and sorry for what happened and okay naman kami. Si Echo naman ay hindi naman bago na sa akin. We worked together (Walang Forever) 2015, so wala naman. 

“Ako kasi Reggs, ‘pag mga ganyang changes and all (let go) na. Parang JM (de Guzman) lang din, ‘di ba? Nakapag-shoot na nga kami tapos hindi natuloy, so okay lang,” sabi pa ni Atty. Joji.

Si JM sana ang original na leading man ni Jennylyn sa pelikulang Walang Forever na hindi natuloy gawin ng aktor dahil ito na ‘yung panahong pumasok siya sa rehabilitation center at si Jericho nga ang pumalit sa kanya.

Kaya naniniwala si Atty. Joji na blessing in disguise rin na hindi natuloy si Echo sa All of You dahil balik-tambalan ito nina Derek at Jennylyn na unang nagkasama sa English Only Please na surprisingly ay naging blockbuster ito at nagka-awards pa pareho sa MMFF 2014.

Tinanong din namin kung kumusta naman sina Atty. Joji at Direk Paul dahil napansin namin sa nakaraang announcement ng MMFF para sa mga pumasok na pelikula sa 2017 Metro Manila Film Festival ay seyoso ang Quantum producer noong tawagin ang huli.

“Expected ko na makapapasok ang ‘Siargao’.  Ikaw ha, nang-iintriga ka,” tumawang sabi sa amin ng abogada.

“Lumapit sa akin si direk Paul, bumati siya sa akin at na-appreciate ko ‘yun, sabi niya, ‘hi attorney’ tapos nag-hug at beso-beso. If there’s anything I learned, matanda na ako for all of that. Ano lang, everybody happy kasi ano naman ang mapapala ko kung may sama ako ng loob, at saka walang dahilan,” nakangiting kuwento pa ni Atty. Joji.

Samantala, tinanong namin kung ano ang vision ng isa sa producer sa All of You.

“Among the three films Jennylyn has done for Quantum, ito ‘yung pinakagusto ko, gusto ko at panoorin n’yo nalang kasi napaka-relatable kasi. Hindi dahil sa maraming bed scenes, it’s a slice of life, it’s really what’s happening now. Hindi siya put-up, walang echos, basta panoorin n’yo,” masayang sabi ni Atty. Joji.

Tulad ng Walang Forever ay dumayo rin ng Toufen, Taiwan ang All of You, ”roon kasi nag-meet sila (Derek at Jen),” sambit sa amin.

Bakit napapadalas yata sa Taiwan ang shooting ng mga pelikulang produced ng Quantum,? ”Mababait kasi ang mga tao roon at saka may co-producer na kami roon. May producer kaming counter-part doon na nakatrabaho na namin doon, so nagiging mas madaling mag-work for us,” katwiran sa amin.

PAGPO-PRODYUS,
NA-MASTER;
DEREK, ‘DI TOTOONG
SAKIT NG ULO

BUKOD sa Quantum at MJM Productions ay co-producer na rin ang Globe Studios ni Direk Quark Henares bilang head at ang bagong tatag na Planet A Media na sister company ng Quantum.

Banggit namin kay Atty. Joji na-master na niya ang pagpo-produce ng pelikula dahil heto may bagong tatag siyang kompanya na namamahala naman para sa digital series.

“Hindi pa rin Reggs, in production, there’s no such things as expertise parang each movie is always a challenge, parang nanganganak ka each time kasi paiba-iba, eh like ‘pag mayroon kang current na shoot, iba ‘yung circumstances, ibang lugar, iba ‘yung, maraming factors, eh,” paliwanag ng producer.

Samantala, tinanong namin si Atty. Joji kung totoong naging cause of delay si Derek sa All of You at hindi pa ito tapos i-shoot ngayon.

“Ay wala at all, not at all. Maybe because we have mutual respect and he knows, I mean business and I am his lawyer so I will kill him, ha, ha, ha,” tumatawang sagot ng abogada.

 

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Carlos Yulo Chloe San Jose

Chloe sa mga tumatawag sa kanya ng famewhore — nakapag-build na ako ng name before ko pa makilala si Caloy

MA at PAni Rommel Placente IPINAGTANGGOL ni Chloe San Jose ang sarili sa akusasyon ng  kanyang bashers, …

Vico Sotto Vic Sotto Coney Reyes

Vic at Coney walang kakaba-kaba sa muling pagtakbo ni Vico — Matatalino ang Pasigueño, style na bulok hindi na uubra

MA at PAni Rommel Placente NAGBIGAY ng reaksiyon si Vic Sotto sa mga naninira sa anak niyang …

Alexa Ilacad Kim Ji-soo

Alexa ‘natakot’ kay Kim Ji soo

RATED Rni Rommel Gonzales AMINADO si Alexa Ilacad na sa simula ay na-intimidate siya sa leading man …

Wilma Doesnt Zoren Legaspi

Wilma ‘di naitago pagnanasa kay Zoren — Sana mai-guest tapos liligawan si dyosa

RATED Rni Rommel Gonzales DAHIL madalas silang magka-eksena sa Abot Kamay Na Pangarap, tinanong namin si Wilma …

Herbert Bautista Gian Sotto

Bistek muling tatakbo sa QC, kakalabanin VM Gian Sotto

I-FLEXni Jun Nardo MAGBABALIK din sa politika si former Quezon City Mayor Herbert Bautista mula sa source …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *