Sunday , November 9 2025
Mama Loi, Erik Matti, Ogie Diaz

Direk Erik ayaw na makatrabaho si premyadong aktor na ‘di nagbabasa ng script

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

NAALALA namin ang kuwentuhan nina Direk Erik Matti, Ogie Diaz, at Mama Loi na in-upload sa YouTube channel ng huli noong Nobyembre 22 na tinalakay ng direktor na naiirita siyang katrabaho ang mga artistang hindi nagbabasa ng script. 

Natanong kasi nina Ogie at mama Loi ang premyadong direktor kung sino sa mga artista ang ayaw niyang katrabaho.

Nagkuwento muna ang direktor kung bakit ayaw na niyang makatrabaho dahil hindi nga raw nagbabasa ng script, sa madaling salita, hindi handa pagdating sa set.  Gusto ay gagabayan siya ng script continuity bagay na nakade-delay ng shooting.

Anyway, kaya kami nag-back story ay dahil wala pa rin palang pagbabago ang aktor na ilang beses ng namumura sa set dahil nga hindi nagbabasa ang script at hindi makasaulo.

Ang aktor ay kasalukuyang may ginagawang project at namumuti na ang mata ng direktor dahil sakit ng ulo talaga.

Ang kuwento sa amin, ”nandoon na tayo hindi niya nabasa ang script, doon palang sa set, pero sana inilalagay niya sa utak niya ang binabasa niya kaso hindi, parang dinaanan lang ng mata kasi ‘pag take na, isa-isang idinidikta sa kanya. Nakauubos ng lakas.”

Ang aktor na bida sa blind item na ito ay nakatrabaho na ni direk Erik noon at isa siguro siya sa ibinulong kina Ogie at mama Loi na ayaw na niyang makatrabaho kasi nga tamad. Sabi pa, spoon-feed ang gusto na lahat ihahain sa kanya.

Kaya siguro madalang ang project ng aktor kasi nga ayaw siyang makatrabaho ng ilang direktor at higit sa lahat hindi rin naman siya kagalingang umarte, so ano pa.

Grabe, hindi na kagalingang umarte, tamad pa sa assignment niya, eh, ano na lang puwede niyang gawin? Hindi rin naman siya kaguwapuhan pero leading man material talaga siya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Jillian Ward

Jillian Ward mukhang reyna ng Thailand

MATABILni John Fontanilla MARAMING humanga sa kagandahan ni Jillian Ward na nagmukhang reyna sa kanyang mga litrato …

Will Ashley

Will Ashley kakasuhan mga basher

MATABILni John Fontanilla NAGPUPUYOS sa galit ang tinaguriang Nation’s Son at Kapuso actor na si Will …

Ysabel Ortega

Ysabel takot sa elevator, gustong gumanap na vampire

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAY trauma pala sa elevator si Ysabel Ortega. Ito ang nalaman naman …

Viva Movie Box

Viva inilunsad, VMB — bagong vertical content streaming platform 

MATAGUMPAY na inilunsad ng Viva Communications Inc., ang Viva Movie Box, isang bagong streaming platform na idinisenyo …

Kim Chiu Paulo Avelino Alibi

Kim Chiu walang takot magpakita ng skin, maraming sikretong ilalantad

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez “TAPOS na po tayo sa teeny-teeny.” Ito ang paliwanag ni Kim Chiu nang matanong …