Thursday , May 26 2022
Kris Aquino

Kris inuna ang pagtulong kahit may iniinda

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MULING bumagsak ang timbang ni Kris Aquino below 90 lbs. kaya nahirapan silang makabalik ng Manila.

Kasalukuyang nasa Boracay ngayon si Kris kasama ang fiancé na si ex-DILG secretary Mel Senen Sarmiento para sa kanilang pre-Christmas break na dapat ay nakabalik na sila ng Manila noong Disyembre 17 pero dahil sa kalagayan niya ngayon ay hindi pa.

Base sa video post ni Kris sa kanyang Instagram na umuulan sa Boracay, ”It was my desire to keep our pre-Christmas break very private.

“Mel & I left Dec 9 with every intention of being back Dec 17. Ang tagal pinagplanuhan kung saan pupunta. Walang available in Bataan or Zambales. We could be accommodated in Boracay (thank you @discoveryshoresboracay & @theauhanaboracay) pero problema namin ‘yung air travel because of my compromised immunity. Sadly, my weight had dropped below 90 lbs.

“Ayoko pong isipin ninyo na dedma ako sa pinagdadaanan ng mga kapwa nating Pilipino dahil sa napakalakas at bagsik ng bagyong #odette.

“Hindi na po ako mag dedetalye pero nonstop ang communication ko sa mga kaibigan kung paano makakatulong. Maraming salamat sa @puregold_ph dahil natulungan akong magbigay sa kaibigan na may paraan para ipaabot ang aking pamaskong pagbahagi sa area nila sa Mindanao.”

Biktima rin ng super typhoon Odette ang magulang at mga pamangkin ni Mr. Sarmiento.

“Salamat sa @snr_official,  smsupermalls and @stweets sa pagtulong sa min para mapa kumpleto ang necessities para sa mama at mga pamangkin ni Mel na walang kuryente, nasiraan ng generator, walang tubig at para magka signal umaakyat sa rooftop ng bahay nila.

“Paubos na rin po ang gasolina sa Cebu. Kaya grabe ang iniiyak ng puso ko para sa mga nawalan ng lahat.

“Matagal na kaming tandem ni @therealangellocsin pag ganitong may kalamidad at araw-araw kaming nag-uusap kung paano ba makakatulong. Kinukulit namin ni Alvin si Ina ni vp @lenirobredo.

“5 AM kanina magka-text kami ni VP Leni. Saludo ako sa kanya at kay Senator @mannypacquiao dahil nagkaisa sila para mas maraming matulungan. Finally makakauwi na, at mas marami nang magagawa.

“Hihingi na ko ng paumanhin. Marami po akong na order na @enjoyglobe GCash special na Kris cards (kagaya po nu’ng napagawa ko sa @shopeepay_ph)- naisip ko na ito yung perfect na pang regalo. Uunahin ko po muna yung talagang MOST IN NEED. Bawi po ako sa inyo bago na lang ako mag birthday.

“God bless the (emoji Philippine flag) during yet another crisis. Sana ‘wag tayong mawalan ng pag-asa dahil pabangon pa lang, knockout na naman. Bawal ang sumuko dahil hindi tayo pababayaan ng mag bibirthday sa Dec 25.”

Maraming bumilib kay Kris dahil masama na ang pakiramdam niya ay inaasikaso pa rin  kung paano makatutulong sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

About Reggee Bonoan

Check Also

Carl Balita Judy Ann Santos Marvin Agustin Kris Aquino James Reid

TAGUMPAY nina Juday, Marvin, Kris, at James sa negosyo ibubuking ni  Dr Carl 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio CHAMPION nang maituturing si Dr Carl Balita pagdating sa pagnenegosyo. Bakit naman …

Yassi Pressman Rolling In It Philippines

Yassi epek ihilera kay Kris; bagong Hugot Queen 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKAE-EXCITE ang bagong show ni Yassi Pressman na Rolling In It Philippines sa TV5. At …

Running Man

Bagong reality show mula South Korea aarangkada na

I-FLEXni Jun Nardo WALA nang urungan ang pag-ere ng biggest reality game show sa South …

Kylie Padilla Bolera

Kylie perfect comeback ang Bolera 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG nadamang pressure at confident si Kylie Padilla sa comeback teleserye niya sa primetime …

Blind Item, Man Leaving Sad Woman, magandang aktres

Male star kompirmadong gurl

HATAWANni Ed de Leon “KUNG hindi siya bading, bakit siya ‘nag-land of the morning’ noong …