Monday , October 7 2024
President Benigno Simeon Aquino III delivers his 2nd State of the Nation Address (SONA) during the joint Senate and House session of Congress at the Plenary Hall, House of Representatives Complex, Constitution Hills, Quezon City Monday July 25, 2011. In the photo are Senate President Juan Ponce Enrile and House Speaker Feliciano Belmonte, Jr. (Photo by: Robert Vinas/ Malacanang Photo Bureau).

Si Sereno at si Alvarez

KAABANG-ABANG ang mangyayari ngayong araw sa Kamara sa pagsisimula ng pagdinig sa reklamong impeachment na inihain laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Tiyak na kapana-panabik ang magiging palitan ng mga paha­yag sa pagitan ng nagreklamo, ng inirereklamo at ng mga miyembro ng Kamara na didinig sa kaso.

Lalong magiging mainit ang resulta nito lalo pa’t nagpahayag na ang Chief Justice na wala siyang balak na daluhan ang pagdinig, habang nagbanta si House Speaker Pantaleon Alvarez na hindi papapasukin ang mga abogado ni Sereno kung iisnabin rin niya ang pagdinig.

Ngayon pa lang ay nakikita na kung gaano magiging kausok ang mga balita tungkol sa banggaang ito. Huwag naman sa-nang umabot sa punto na magkaroon ng Constitutional crisis. Huwag din naman sanang mamersonal ang ibang miyembro ng Kamara laban sa Chief Justice, lalo na ang mga kongresista na minsan ay nakasalungat ni Sereno sa mabigat na isyu.

Kung maaari, si Alvarez ay magpakita nang pagiging patas; hindi ‘yung ngayon pa lang ay tila may sentensiya na siya kay Sereno. Hindi ba’t minsang tumestigo si Sereno laban kay Alvarez sa isyu ng Piatco noong mga nakalipas na taon? Kung talagang walang bahid ng paghihiganti si Alvarez kay Sereno, hindi siya naglalabas ng mga pahayag na tila nagdidiin sa Chief Justice, kundi magsasabi na hayaan na ang komite na tumimbang sa kaso ng Punong Mahistrado.

Kung ganoon ang mangyayari, baka maniwala pa tayo na wala siyang pagkiling sa kasong ito.

About hataw tabloid

Check Also

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Mapayapang eleksyon, target ni PRO3 RD PBG Maranan

AKSYON AGADni Almar Danguilan UMUPO na bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 3 …

Sipat Mat Vicencio

Laban ni FPJ:  Inumpisahan ni Grace, tatapusin ni Brian

SIPATni Mat Vicencio NAGSIMULA ang ‘laban’ ni Senator Grace Poe nang bawian ng buhay ang …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors muling nag-hari sa Blumentritt

YANIGni Bong Ramos MULI na namang namayagpag ang mga vendor sa kahabaan ng kalyeng Blumentritt …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Delusional, kung ‘di man desperada

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. DELUSIONAL na marahil ang ating Bise Presidente, si Inday …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

Suwerteng QCitizens, bibilhan ng condo ni Mayor Joy B.

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKASUWERTE talaga ng QCitizens sa pagkakaron ng isang Alkalde na ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *