Monday , October 14 2024

Agam-agam ni Tony Labrusca, nabura (pangarap na maging actor, naisakatuparan)

BLESSING in disguise talaga na hindi napasama si Tony Labrusca sa Boyband PH dahil kung nagkataon wala siya sa La Luna Sangre at hindi makatatanggap ng award na Best New Male TV Personality sa nakaraang 31st PMPC Star Awards for Television na ginanap sa Henry Irwin Theater, Ateneo de Manila University noong Linggo, Nobyembre 12.

Nabanggit ng manager ni Tony na si Mario Colmenares na plano na palang mag-quit ni Tony sa kalagitnaan ng reality show ng Pinoy Boyband Superstar dahil may agam-agam ang binata na baka hindi niya kayanin bukod pa na gusto talaga niyang mag-artista.

“Sinabihan ko na lang na ituloy na niya at we’ll see what happened sa huli, so noong hindi siya napili, okay lang sa kanya, hindi siya nasaktan. Though he loves to sing, gusto niyang maging singer din pero as a solo not in a group.

“Good thing na rin na hindi siya napili kaya ang tuwa niya noong kinuha siya for ‘La Luna Sangre’ kasi gusto niyang umarte and willing to learn talaga,” lahad ni Mario sa amin.

Habang on-going ang contest ng Pinoy Boyband Superstar noon ay panay na ang panalangin ni Tony na anuman ang ibigay sa kanya ay buong puso niyang tatanggapin basta’t ilagay siya sa tamang daan.

“Malakas ang faith ni Tony, lahat ng gagawin niya at ginagawa, lahat inihihingi niya kay God,” sabi ng manager ng binata.

Dininig naman ng Panginoong Diyos ang panalangin ni Tony dahil bukod sa pagiging singer at pag-aartista ay kinuha rin siyang host ng show na One Music Popssss kasama sina Inigo Pascual at Alexa Ilacad sa 3rd season ng One Music PH online tuwing Martes.

Sa 1st and 2nd season ng One Music Popssss ay sina Inigo at Maris Racal ang hosts.

May production number din sina Inigo at Tony sa show kaya pasok pa rin ang pagiging singer ng binata.

Samantala, abot-abot ang pasalamat ni Tony sa bumubuo ng PMPC Star Awards for Television sa pagkilala sa kanya para sa napanalunan niyang Best New Male TV Personality para sa karakter niyang Jake sa La Luna Sangre.

Speaking of Jake, isa sa bida si Tony dahil kababata at binabantayan niya si Kathryn Bernardo bilang si Malia na Bagong Itinakda ng mga bampira at lobo.

Masunurin at talagang nag-aaral magsalita ng Tagalog si Tony kaya kung mapapansin ay may improvement na siya sa karakter niyang Jake sa LLS.


26 KANDIDATA NG MISS SILKA PHILIPPINES,
WISH MAGING TULAD
NINA WURTZBACH, VERSOZA AT SERONON

SINO kaya sa 26 candidates mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang mag-uuwi ngayong hapon ng titulong Miss Silka Philippines 2017 na gaganapin sa Martket! Market! Activity Center, 3:00 p.m..

Ang magwawagi ay mag-uuwi ng P150,000 cash at P100,000 worth of donations para sa charity na mapipili niya bukod pa sa endorsement project for Silka 2018.

Magsisilbing hosts ng event sina Mikael Daez at Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa at sina Sam Concepcion at Silka endorser na si Yassi Pressman naman ang guest performers.

Ang nanalong Miss Silka Philippines 2016 na si Katrina Johnson mula sa Davao ang nakapag-donate ng office supplies worth P100,000 sa Maharlika Charity Foundation.

Ang Miss Silka Philippines 2017 ay handog ng Cosmetique Asia’s production with partnership of Cornerstone Events at ang mga sponsor ay Sequoia Hotel, Ayala Malls, Market! Market! Fruit of the Loom Phillipines T-shirts, Victorino’sm Today’s Water and Metro Department Store.

Ang mga kandidatang galing ng Mindanao area ay sina 1. Danielle Nicole Jabonero (Caraga); 2. Fatima Kate Bisan (Central Mindanao); 3. Regine Lareta Anillo (Davao); 4. Josephine Realubit (North Western Mindanao); 5. Judith Jay Polestico (Northern Mindanao); at 6. Aijeleth Myrizza Borja (Zamboanga).

Buhat naman sa Visayas Region sina 7. Lailani Thoegersen (Bacolod); 8. Sheena Marie Francesca Licong (Bohol); 9. Nicole Borromeo (Cebu); 10. Spring Ann Nagle (Dumaguete); 11. Leona Mae Nabayra (Iloilo); at 12. Gabrielle Camille Basiano (Leyte).

Ang mga taga-Southern Luzon ay sina 13. Mickelle Denisse Bawar Lina (Batangas); 14. Alexandra Otadoy Plaza (Bicol); 15. Roi Neve Comanda (Cavite); 16. Christine Alen Rada (GMA); 17. Jennifer Lemaitre (Laguna); 18. Reyna Michelle Ruhen (Puerto Princesa); at 19. Ashanti Shaine Ervas (Quezon).

Ang mga taga- Northern Luzon ay sina 20. Andre Fe Gomez (Baguio City); 21. Jaycel Domingo (Bulacan); 22. Nikita Pearl Teichmuller (Cagayan Valley); 23. Angelica Vinoya (Ilocandia) 24. Kim Leana Pabustan (Pampanga); 25. Cherry Anne Maniacop (Pangasinan); at 26. Loraine Anne Alvarado (Zambales).

Inamin din ng mga kandidata ng Miss Silka Philippines 2017 candidates na stepping stone nila ang beauty contest para makasali sa national beauty pageant sa mga susunod na taon at gusto nilang matulad kina Pia Wurtzbach (Miss Universe 2015), Sushmita Sen (Miss Universe 1994), Kylie Versoza (Miss International 2016), at Sophia Seronon (Multi-National 2017).


ANGELINE, ‘DI NA PAPIPIGIL
(Coco at Lito, isusuplong na)

MUKHANG mapupurnada ang plano nina Cardo (Coco Martin) at Romulo (Lito Lapid) sa pagbabalik nila ng Maynila dahil kasado na ang pagsuplong sa kanila ni Regine (Angeline Quinto) para makuha ang pabuyang P10-M nakapatong sa mga ulo nila base sa umeereng kuwento ng aksiyong seryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa muling pagtapak ni Cardo (Coco) sa Maynila kasama si Romulo ay nakilala nila ang pamilya ni Daga (Rico J. Puno), isa sa mga dating kasapi ng pangkat upang tulungan silang mahuli si Alakdan (Jhong Hilario).

Ngunit hindi naging maayos ang pagtanggap sa kanila ng anak nito na si Regine  (Angeline) dahil napatay pala ni Cardo ang kapatid niyang si Erik Fructuoso.

Para mabigyang hustisya ang pagkamatay ng kapatid ay sasamantalahin ni Regine (Angeline) ang tiwalang ibinibigay nina Cardo (Coco) at Romulo (Lito) sa kanyang ama at titiyaking mahuhuli sila ng mga awtoridad, para na rin na makuha ang P10-M pabuya.

Hindi naman magpapatalo si Cardo (Coco) at gagawin ang lahat upang maisakatuparan ang mga planong pagtugis kay Alakdan (John) at pagsiwalat sa kasakiman ni direktor Hipolito (John Arcilla).

Magtagumpay kaya si Regine (Angeline) sa kanyang plano? Makaligtas naman kaya si Cardo (Coco)?

Abangan ang mga susunod na pangyayari sa FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN.

Speaking of Angeline, kasalukuyang nasa New Zealand siya ngayon para sa ilang araw na show.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Celeste Cortesi Viva

Celeste nilayasan Sparkle lumipat sa VAA

I-FLEXni Jun Nardo ANG Viva Artist Agency (VAA) ang namamahala sa showbiz career ng beauty queen na …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male star aasa sa tulong ni gay friend sa pagpasok sa politika

ni Ed de Leon KAYA pala nag-file ng COC ang isang male star ang akala niya ay …

Mark McMahon

Mark McMahon balik ‘Pinas

HATAWANni Ed de Leon NAGBALIK na pala si Mark McMahon, matagal din siyang nawala at walang …

Julie Anne San Jose Church

Julie Anne ‘di dapat sisihin, Sparkle at organizer may pagkukulang

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng Sparkle ang kasalanan sa nangyari kay Julie Anne San Jose na kumanta sa …

Cecille Bravo RS Francisco

Ms. Cecille Bravo, planong magprodyus ng pelikula kasama si RS Francisco

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio BILANG pagkilala sa kakaibang suporta at kabaitan sa mga member …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *