Saturday , October 5 2024

Harvey, nalilinya sa horror movies

SA gala premiere ng indie movie na ‘Nay ay nakita namin sina Quezon City Mayor Herbert Bautistakasama ang mga anak na sina Athena at Harvey at ina nilang si Ms. Tates Gana.

Si Harvey kasi ang gumanap na batang Enchong Dee sa pelikulang idinirehe ni Kip Oebanda para sa Cinema One Originals na palabas na simula pa noong Lunes.

Parang magkapatid sa totoong buhay sina Enchong at Harvey dahil magkamukha sila dahil pareho silang chinito at pananalita.

Kaswal na Inglisero si Harvey dahil sa international school siya nag-aaral na bumagay din naman kay Enchong dahil maski na mas sanay siyang magsalita ng Tagalog ay keri naman niya ang pagiging Inglisero.

Bibihirang lumabas sa pelikula si Harvey dahil abala sa pag-aaral pero bakit sa tuwing may project siya ay parating horror tulad nitong ‘Nay? Kung hindi kami nagkakamali ay huli namin siyang napanood sa Ilawod mula sa Quantum Films.

Nakatutuwa sina Mayor Bistek dahil lagi siyang nakasuporta sa mga anak niya kapag may movie project at hindi lang iyon, hindi siya pumo-pronta dahil nakaupo siya sa mataas at tahimik lang na kung hindi pa siya itinuro sa amin ng aming kasama ay hindi namin sila mapapansin.

Going back to the movie ‘Nay ay double meaning ang mga linyang binitiwan nina Enchong at Sylvia Sanchez na patama sa gobyerno na mismong si direk Oebanda ang sumulat.

Sa kulungan ipinanganak at lumaki si direk Kip dahil nakulong ang nanay niya noong ibinaba niPresidente Ferdinand Marcos ang Martial Law.

At kaya Kip ang pangalan ng direktor ay dahil ‘itinago’ siya sa kulungan.

Malalim ang kuwento ng Nay na idinaan lang sa horror pero makahulugan ang bawat eksena lalo na noong namimili na si Enchong ng papatayin para kainin niya dahil aswang na nga siya ay ayaw ng binata dahil mahihirap sila at kawawa naman.

Pero ang paliwanag sa kanya ni Nay (Sylvia) ay pare-pareho lang ang mahihirap at mayayaman. Mas madaling patayin ang mahirap dahil madaling lusutan at walang maghahabol kompara sa mayayaman (at may posisyon sa gobyerno) na madali kang mahuli dahil sa koneksiyon.

Sana mapanood ito ng mga taga-gobyerno para in a way ay magising sila kung may ginagawa man silang hindi mabuti sa kapwa nila.

HASHTAG JAMESON,
NAKA-5 NG PELIKULA
NGAYONG 2017

SPEAKING of ‘Nay, sandaling nakatsikahan din namin ang isa sa cast na si Jameson Blake oHashtag Jameson at inamin niyang nanghihinayang siya sa maagang pagkamatay ni Hashtag Franco o Franco Hernandez sa edad na 26.

Ayon kay Jameson, ”it’s so sad kasi Franco is really nice sa aming lahat, though magkaibang batch kami pero pamilya kami. Nakalulungkot.”

Tila ayaw na masyadong magbigay ng komento si Jameson tungkol kay Franco dahil gusto lang niyang maalala ang masasayang bagay na pinagsamahan nila.

Samantala, natuwa kami sa dancer turned actor Ateng Maricris dahil ang talas ng memorya niya noong lapitan namin siya at sinabi niyang, ”I think, we’ve met before? Please tell me saan na nga?” at sinabi naming na-interview siya sa dressing room ng It’s Showtime.

“Yeah, I remember, para sa newspaper right? Yes, I was very new then,” napangiting sabi ng binata.

At ipinaalala namin ang tanong namin kung type niyang mag-artista kaya siya pumasok sa Hashtag, na ang sagot niya ay, ”yes I want to try showbiz if ever.” At sinabihan namin siya ng, ‘kung gusto mong mag-artista, dapat matuto kang magsalita ng Tagalog.’ Kasi nga Inglesero ang binata.

“Yes, I remembered that, ha, ha” tumawang sagot ni Jameson.

At ngayon ay artista na siya dahil kaliwa’t kanan ang movie at TV projects niya kaya ang tanong namin ay kung ano ang pipiliin na ng binata ngayon, ang pagiging dancer o pag-aartista?

“Ang hirap, kasi roon (Hashtag) ako nag-start, pero I think I’ll pick this as an actor kasi it will span, parang mas mahaba ‘yung career ko in terms of an actor,” sabi ng binata.

Hindi naman niya totally iiwan ang Hashtag dahil gusto pa rin niyang sumayaw at kung kailangan siya ay dadalo pa rin kapag kaya ng schedules niya.

Binanggit namin na maraming bumabati kay Jameson dahil marunong siyang umarte.

“Hindi naman, paunti-unti,” natawang sagot nito.

At nakalimang pelikula na pala siya ngayong 2017, ”I think five, including this (Nay), ‘yung dalawa upcoming, ‘yung iba nagso-shoot palang kami,” sabi ng aktor.

Marami pa sana kaming itatanong kay Jameson kaso pina-upo na ang buong cast para umpisahan na ang screening ng Nay.

As of now ay loveless ang actor/dancer dahil hindi niya ma­as­i­kaso dahil segue-segue siya sa mga ginagawa niya.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Maine sa paglilibang ng Pinoy Drop Ball — Let’s be a responsible gamer, balanse ang saya sa pagtaya

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA opisyal na pagbubukas ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus, masayang ibinahagi ng ambassador …

Diwata

Diwata papasukin ang politika para maging boses ng mga vendor 

MATABILni John Fontanilla MULA sa pagiging Online Sensation at matagumpay na negosyante, sasabak na rin …

Rhian Ramos Sam Verzosa SV

Rhian suportado pagtakbo ni SV— I’ve never campaign anyone in my whole life pero if he needs me andoon ako 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SAMPUNG mamahaling sasakyan na nagkakahalaga ng P200-M ang ibinenta ni Tutok …

Maine Mendoza BingoPlus Pinoy Drop Ball

Perya feels handog ng Pinoy Drop Ball ng BingoPlus

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PERYA feels ang ibinabandera ng pinakabagong laro ng BingoPlus, ang …

Piolo Pascual Rhea Tan Beautéderm

PIOLO PASCUAL NAGPAKILIG SA MEET AND GREET SA BEAUTÉDERM HQ,  
Ms. Rhea Tan nagdiriwang ng 15 taon sa negosyo

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Ultimate Heartthrob ng bansa na si Piolo Pascual ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *