Tuesday , October 15 2024

Lisensiya ni Isabel hiniling kanselahin (Sa paggamit ng ASEAN lane)

HINILING ng Metropolitan Manila Development Authority ang rebokasyon o tuluyang pagkansela sa driver’s license ng aktres na si Maria Isabel Lopez, nitong Lunes ng umaga.

Ito ay makaraan gumamit ng “ASEAN Lane” ang dating beauty queen nitong Sabado para makaiwas sa matinding trapiko.

Ikinuwento ni Lopez ang kanyang ginawa sa isang Facebook post.

Sa imbestigasyon, ang ASEAN Lane sa bahagi ng Ortigas at Shaw Boulevard ang ginamit ni Lopez. Ang kalyeng ginamit ni Lopez ay nakalaan sa mga delegado ng ASEAN Summit.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, inilagay sa alanganin ni Lopez ang kapakanan ng ibang motorista sa paggamit sa ASEAN lane at maaari pa siyang mapagkamalang banta sa seguridad.

Hindi rin umano sapat ang paghingi ng paumanhin ng aktres upang hindi ituloy ang kaso, hindi sila naniniwala na “call of nature” ang dahilan ng pagpasok ni Lopez sa kalyeng pang-VIP.

Sabi ni Pialago, may CCTV footage at iba pang ebidensiyang hawak ang MMDA laban kay Lopez ngunit ihaharap na lang nila ito habang dinidinig ang kaso.

ISABEL LOPEZ
INASUNTO NG MMDA

Maria Isabel Lopez celine pialago MMDA

PORMAL nang naghain ng reklamo sa tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) laban sa dating beauty queen at actress na si Ma. Isabel Lopez, dahil sa paglabag sa batas trapiko nitong Sabado, makaraan gamitin ang ASEAN lane.

Si Lopez ay kinasuhan ng disregarding traffic signs, paglabag sa Republic Act No. 10913, o Anti-Distracted Driving Act (ADDA) at reckless driving.

Nakasaad din sa reklamo ng MMDA na nais nilang permanenteng ipa-revoke ang driver’s license ni Lopez.

Pinagmumulta rin ng halagang P5,000 si Lopez dahil sa paglabag sa ADDA Law, dahil ipinagbabawal na gumamit ng mga electronic gadget kapag nagmamaneho.

“Lopez’s shameless conduct and unlawful act of breaching the security protocol during an international event in our country make her an improper person to operate a motor vehicle which would endanger the public,” ayon kay Atty. Victor Pablo Trinidad, ng MMDA legal division.

Tatlong araw ang ibinigay kay Lopez ng LTO upang magpaliwanag para hindi kanselahin ang kanyang lisensiya nang habambuhay.

Aniya, kahit humingi ng paumanhin si Lopez, na sinabing “tao lamang siya na nagkakamali,” hindi katuwiran ito at dapat kastigohin sa ginawa niyang paglabag.

Katuwiran ni Lopez, hindi lamang siya ang lumabag, may iba pang motorista na lumabag din, dahil sumunod sa kanya.

Ayon sa MMDA, kabilang din sa kinasuhan ng paglabag sa batas trapiko ang tatlong motoristang gumaya kay Lopez.

Batay sa MMDA, sa ginawa ni Lopez, hindi lamang ang kapakanan ng mga delagado sa ASEAN Summit ang inilagay niya sa balag ng alanganin kundi ang sarili niya at iba pang motorista.

Ayon sa tagapagsalita ng MMDA na si Celine Pialago, kung may iba pa aniyang ikakaso kay Lopez kaugnay sa ginawang paglabag, bahala na rito ang Philippine National Police (PNP).

Nitong Sabado ng hapon, lumabag sa batas trapiko at sa protocol ng ASEAN Summit si Lopez, nang gamitin ang lane na itinalaga para sa mga delegado, na mariing ipinagbabawal sa mga pangkaraniwang motorista.

Katuwiran ni Lopez, dahil sa sobrang trapik, tinanggal niya ang harang ng ASEAN lane sa bandang EDSA, Ortigas-Shaw Boulevard. (JAJA GARCIA)

MOTORISTANG GAGAMIT
NG ASEAN LANES, AARESTOHIN

AARESTOHIN ng pulisya ang mga motoristang gagamit sa ASEAN lanes, tulad ng ginawa ng beauty queen at aktres na si Isabel Lopez, inianunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nitong Lunes.

Sa posts sa Facebook at Instagram, ikinuwento ni Lopez na tinanggal niya ang ilang traffic cone upang makabiyahe sa bahagi ng EDSA na nakareserba para sa mga delegado ng ASEAN.

“MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate. If you can’t beat ‘em, join them,” ani Lopez sa caption ng ilang video.

Inalerto ng MMDA ang pulisya para hulihin at i-impound ang mga sasakyan na ilegal na bibiyahe sa ASEAN lane, sinabi sa press conference ni Emmanuel Miro, pinuno ng MMDA Task Force ASEAN.

Dagdag ni Miro, irerekomenda ng MMDA ang kanselasyon o suspensiyon ng driver’s license ni Lopez sa Land Transportation Office (LTO).

Lumabas aniya sa inisyal na imbestigasyon na pumasok si Lopez sa ASEAN lane sa bandang Ortigas Avenue at Shaw Boulevard sa EDSA nitong Sabado ng gabi.

“Delikado ‘yung ginawa niya na ‘yun dahil assuming na may parating na head of state at nakaalerto ang ating security, may snipers. E, mapagkamalan siyang terorista roon, baka may mangyari sa kanya na ‘di maganda,” sabi ni Miro.

ASEAN SERVICE
VEHICLE SINALPOK
NG TAXI, ISA PA
NADAMAY

NAGBANGGAAN ang tatlong sasakyan, kabilang ang isang sasakyan na naghatid sa mga delegado ng ASEAN summit, sa Parañaque City, nitong Lunes.

Naganap ang insidente nang makatulog ang driver ng taxi na mabilis umano ang takbo sa Aseana Avenue dakong 1:00 ng umaga.

“Nakaidlip [ako],” pag-amin ng taxi driver na si Artchie Legaje na 12 oras nang pumapasada noon.

Bumangga ang taxi sa isang van na nakatigil sa tapat ng stoplight. Kahahatid lang ng van sa ilang empleyado ng lokal ng gobyerno na dadalo sa ASEAN.

Dahil sa lakas ng salpukan, bumangga ang van sa isa pang taxi sa harap nito.

Dumugo ang ilong ng isang Chinese National na sakay ng taxi ni Lagaje. Tumanggi ang pasahero na humarap sa media o magpadala sa ospital.

Habang dinala sa traffic bureau ang driver para imbestigahan.

About hataw tabloid

Check Also

101324 Hataw Frontpage

Premyadong manunulat desmayado sa mandatong pagbasura sa MTB-MLE

HATAW News Team LABIS na ikinadesmaya ng isang premyadong makata at manunulat ang mandato na …

Mas maraming ‘4Ps students’ nakikinabang sa tertiary education subsidy — Gatchalian

PINURI ni Senador Win Gatchalian ang pagdami ng mga benepisaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES) …

Bato dela Rosa Kerwin Espinosa

Sa rebelasyon ni Espinosa  
‘BATO’ MATIGAS NA ITINANGGI, ‘DEADMA’ VS QUAD COMM

MARIING pinabulaanan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang lahat ng akusasyon laban sa kanya …

EJK Victims

Hustisya para sa mga biktima ng EJKs hangad ng QuadComm – Chair Barbers

NANGAKO ang Quad Committe ng Kamara de Representantes na tutulong sila para maigawad ang hustisya …

Francis Tol Tolentino Bacoor Cavite

Para sa mga liblib na lugar  
INTERNET SERVICES COOPERATIVE TARGET NI TOLENTINO

NAIS masolusyonan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang problema sa kawalan ng internet connection …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *