Monday , November 11 2024

Marcos sa LNMB, tuldukan na

TINULDUKAN na nang tuluyan ng Supreme Court ang kontrobersiyal na isyu ng paglilibing sa dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani, matapos ibasura ang motion for reconsideration na inihain nina dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo at Albay Rep. Edcel Lagman.

“Lack of merit” ang ruling ng SC sa petisyon nina Ocampo at Lagman. Ibig sabihin, walang nakikitang maayos na argumento ang korte para baguhin ang nauna nitong desisyon na pumapabor sa pagpapalibing sa labi ni Marcos sa LNMB.

Matatandaan na isa si Lagman sa mga nagnanais hukayin ang labi ng dating pangulo dahil hindi raw nababagay at hindi wasto na ilagak sa LNMB. Halos ilang buwan ang naging bangayan sa kampo ng pamilyang Marcos at grupong dilawan sa isyu kung nararapat ba o hindi na ilibing ang dating pangulo sa LNMB.

Kung susuriing mabuti, mukhang sablay na rito ang grupo ni Lagman at Ocampo na hilingin pa sa korte na hukayin ang labi ni Marcos sa LNMB. Isang bagay na marami ang tututol dahil labag ito sa paniniwala ng mga Kristiyano na hindi dapat lapastanganin ang isang yumao at nanahimik na sa kanyang libingan.

Malinaw ang desisyon ng SC, at kailangan igalang ng grupo nina Lagman at Ocampo. Kung inaakala ng mga tutol sa paglilibing kay Marcos na magagamit nila ito sa kanilang propaganda para maisulong ang kanilang lihim na agenda, ay nagkakamali sila. Hindi dapat gamitin sa kanilang pamomolitika ang isang malaon nang patay.

Sa desisyong ito ng Supreme Court, sana ay matuldukan na ang usaping ito.

About hataw tabloid

Check Also

Firing Line Robert Roque

Apela ng seniors: Booklet tanggalin

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BIHIRANG-BIHIRA, kung nangyayari man, na nagsusulat ako ng pansariling …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANG umupo si P/Col. Melecio M. Buslig, Jr., bilang Director ng …

Sipat Mat Vicencio

Gabay ni Da King sa FPJ Panday Bayanihan Partylist

SIPATni Mat Vicencio NOONG nabubuhay pa si Fernando Poe, Jr., kaylan man ay hindi siya …

YANIG ni Bong Ramos

Walang kamatayang hearing sa House at Senate, meron bang nareresolba?

YANIGni Bong Ramos SUNOD-SUNOD at walang kamatayang hearing ang nagaganap sa Senate at House, ang …

QC-LGU, nakaiskor na naman – back-to-back pa

AKSYON AGADni Almar Danguilan WALA na yatang makatatalo o makadadaig sa Quezon City Local Government …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *