Tuesday , January 14 2025

Driver ng Uber at Grab huwag ipitin — Sen. Poe

 

NANINIWALA si Senadora Grace Poe, hindi dapat maipit ang mga driver ng Uber at Grab sa diskusyon ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB), at ng Transport Network Vehicle Services (TNVS).

Ayon kay Poe, ang mga driver ng Uber at Grab ay nakapag-invest ng kanilang oras at pera, at matagal nang bumibiyahe at pinangakuan na mabibigyan ng ‘certificate of public convenience.’

“Paano ngayon sila? Sino ang mananagot diyan? Was the LTFRB’s inaction on their applications intentional?” pagtatanong ni Poe.

Napag-alaman, sisimulan na ng LTFRB ang paghuli sa mga driver ng Grab at Uber na patuloy na nag-o-operate nang walang kaukulang prankisa.

Kasunod ito nang ipinalabas na ‘cease with dispatch order’ ng LTFRB sa transport network companies.

Simula sa 27 Hulyo, hahanapan nila ng ‘certificate of public convenience’ o ‘di kaya ay ‘provisional authority’ ang mga driver ng naturang transport network vehicles. Ang mga mahuhuling walang dokumento ay maaaring pagmultahin nang hanggang P120,000 ang mga driver at operator.

Bukod dito, mai-impound nang hanggang tatlong buwan ang kanilang mga sasakyan.

Una nang inamin ng Grab at Uber na malaking porsiyento ng kanilang accredited drivers ang walang prangkisa mula sa LTFRB kaya pinatawan ng tig-P5 milyon multa ang dalawang kompanya.

(CYNTHIA MARTIN)

About Cynthia Martin

Check Also

NGCP

Solon: Do not blame NGCP, wants ERC penalized for allowing NGCP to pass on franchise tax to consumers

The Energy Regulatory Commission (ERC) admitted issuing a resolution allowing NGCP to pass on its …

Faith in Action A Christmas of Compassion and Giving

Faith in Action: A Christmas of Compassion and Giving

As the Christmas season enveloped us in its joyous preparations, a heartwarming reminder of the …

Arrest Shabu

Bigtime lady drug supplier tiklo sa P6-M shabu ng QCPD

DINAKIP ng Quezon City Police District (QCPD)  Batasan Police Station 6 ang kilalang bigtime lady …

Traslacion Nazareno

Pagkagaling sa Traslacion  
10 miyembro ng DOH medical team sugatan sa bangga ng dump truck

SAMPUNG miyembro ng Department of Health medical team ang isinugod sa ospital nang mabangga ng …

011025 Hataw Frontpage

Pinakamatagal mula 2020
8-M DEBOTO LUMAHOK, HALOS 21 ORAS ITINAGAL NG TRASLACION 2025

HATAW News Team NAITALA ngayong taon ang pinakamatagal at pinakamahabang prusisyon bilang pagdiriwang ng Pista …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *